“Parang ganun nga,” tila naalangang sagot ni Dennis Trillo nang tanungin namin kung sosyo ba sila ni Jennylyn Mercado sa Chunky Dough cookies na negosyo ng Kapuso Ultimate Star.
“Siyempre, tulungan. Project niya yun, so ako laging nandiyan na sumuporta sa kanya,” dagdag na pahayag ng Kapuso Drama King nang nakatsikahan namin sa presscon ng bagong serye nila ni Dingdong Dantes na Cain at Abel.
Minsan nga raw ay tumutulong si Dennis sa pagbi-bake dahil ang dami raw orders ni Jennylyn.
Kay Marian Rivera pa lang, ang dami nang orders na ginagawa raw nilang pa-take home sa mga family gatherings nila tuwing Linggo.
“Mas maganda yung ganun. Siyempre, hindi tayo palaging artista, So, natutuwa ako na meron siyang mga ganun na ginagawa na paghahanda para sa sarili, para sa future,” pakli ng Kapuso Drama King.
Kung ang future na tinutukoy ay yung balak na kasalan, ilang years pa raw sabi ni Dennis, pero kasama na raw ‘yan sa mga plano nila.
“Ayoko pong magbigay ng timeline. Pero masaya kami pareho na maganda yung nangyayari sa mga career namin, sa mga buhay namin,” saad ni Dennis.
Wala raw silang balak na Christmas vacation dahil magiging abala si Dennis sa promo ng Metro Manila Film Festival entry nila ni Kim Chiu na One Great Love ng Regal Entertainment, at regular taping ng Cain at Abel na magsisimula na sa Lunes, November 19.
Alden damay sa hiwalayang Julie Anne at Benjamin!
Biglang pumutok ang balitang break na sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves pero tahimik pa rin ang dalawa at kahit ang ilang taong malapit sa kanila ay ayaw ding magsalita.
Pero kung totoo man ito, tila wala naman silang balak na pag-usapan.
Tinanong ko ang ibang taga-GMA Artist Center, ayaw ding magkomento dahil personal na isyu naman daw ito ni Julie Anne. Basta kung ano man daw ang desisyon ng singer/actress, nandiyan naman daw ang kanilang suporta.
Samantala, may ibang fans naman ang nag-react sa may nag-post ng kuha na nag-uusap sina Alden Richards at Julie Anne.
Ang sabi ng iba, magkakabalikan daw kaya ang dalawa o may posibilidad na magsama ang dalawa sa isang project?
May nagsasabing kung merong Arjo Atayde si Maine Mendoza, puwedeng may Julie Anne naman daw si Alden. Magkasama na sila sa Sunday Pinasaya.
VM Joy isinusulong ang Film Tourism
Pagkatapos ng matagumpay na QCinema, sumunod naman ang Quezon City International Pink Festival na nagsimula na kamakalawa ng gabi.
Ginanap ang opening sa Gateway Cineplex na dinaluhan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte.
Proud si VM Joy na ibinahagi sa mga dumalo na ang lungsod ng Quezon ang kauna-unahang tumupad sa SOGIE bill o Sexual Orientation and Gender Identity or Expression.
Kaya marami silang activities para sa LGBTQI, at isa na rito itong Pink Film Festival.
Bahagi ng talumpati ng QC Vice Mayor Joy Belmonte; “This film festival is in fact one of the provisions of our ordinance that every year we do have to have a film festival such as this to remind our brothers and sister in the LGBTQI community that you are just the same as everybody else na pantay pantay lahat ng tao dito sa Lungsod ng Quezon, at lahat na serbisyo ay dapat pantay-pantay din nating makakamtan.”
Bukod pa diyan, ipinagmamalaki rin niyang ang Quezon City ay lugar na rin ng independent filmmaking.
“Alam n’yo ang Quezon City is now being known as the capital of independent filmmaking.
“We have the Quezon City International Film Festival, katatapos lang. We have Cine Maria which is a film festival for women. Dito rin ang Cinema One, ang Cinemalaya, ang Pista ng Pelikulang Pilipino at marami pang iba.
“Bakit ko sinasabi na capital ng film ang Quezon City, because we have the most number of movie theaters. And because we have the most number of movie theaters, natural that we have the most number of patrons as well.
“Isa rin sa aking pinu-promote bilang Vice Mayor yung tinatawag nating film tourism.
“Alam natin na marami tayong mamamayan at mga tao na nagmumula sa ibang mga bayan that they really just do the rounds of film festival like Berlin, like Venice, like Cannes, like Busan, like Tokyo. And my dream is for Quezon City to be a part of this film circuit. And I think na makakamit po natin ang pangarap na yan in the very near future.
“Ipagpatuloy lang natin ang paglalagay ng film bilang isang strategy for development and for nation building dito sa lungsod ng Quezon. Sa tingin ko magtatagumpay tayo,” seryosong pahayag ng bise alkalde ng Quezon City na kumakandidato ngayong mayor ng lungsod.