400 Kapamilya Stars sumali sa x-mas station id, mga laglag binabantayan
MANILA, Philippines — Mahigit 400 Kapamilya stars ang kasama sa ABS-CBN Station ID na unang mapapanood sa darating na Linggo (Nobyembre 18) sa ASAP. Nangunguna rito sina Vice Ganda, Sarah Geronimo, Gary Valenciano, Sharon Cuneta, Piolo Pascual, at bagong Kapamilya na si Regine Velasquez, at ang mga loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Enrique Gil at Liza Soberano, James Reid at Nadine Lustre, at Joshua Garcia at Julia Barretto.
Kasama rin sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Billy Crawford, Iñigo Pascual, KZ Tandingan, Moira Dela Torre, Darren Espanto, Erik Santos, Janine Berdin, at Yeng Constantino, ang It’s Showtime hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Amy Perez, Mariel Rodriguez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, at Karylle, at TNT Boys Mackie Empuerto, Kiefer Sanchez, at Francis Concepcion sa pagkanta ng Family is Love, na sinulat nina ABS-CBN Creative Communications Management division head Robert Labayen at Lloyd Oliver “Tiny” Corpuz, sa saliw ng musika nina Marcus Davis at Amber Davis.
Kabilang rin sa mga aawit si Coco Martin at ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano (FPJAP), ang UST Singers, AFP choir, Ramon Magsaysay High School (Manila) choir, at Koro Bangkal Magbikin choir.
Isa nang tradisyon ang ABS-CBN Christmas Station ID kaya naman ang mga videong ito ay nakakakuha ng milyun-milyong views sa Youtube tulad ng Just Love Ngayong Pasko noong 2017, na nagdadala ng saya at inspirasyon sa pamilya dahil sa positibong mensahe at magandang himig nito.
Pero bukod siyempre sa inaabangang Station ID inaabangan din kung sinong mga Kapamilya star ang laglag.
- Latest