G Toengi hindi na pinoy, walang k mang-okray

G Toengi

Hndi ko naman masabi Mama Salve na hindi dapat mag-opinyon ang isang tao lalo na public figures ang involved.

Si G Toengi na matagal nang nasa US at isang American citizen na Filipino, ok ibigay kung ano ang opinyon niya sa mga nagaganap sa bayan natin. Pero kung magbibigay ka ng opinyon na masasakit sa tainga at magiging disgrace sa mga tao na binibigyan mo ng comment sa ating bansa, siguro dapat dito ka nakatira, hindi mo inalis pagiging Pilipino mo. Sabihin mo ang opinyon mo, kapani-paniwala ka.

But a citizen na ipinagpalit na ang citizenship para sa ibang bayan, hinay-hinay lang.

Manny Pacquiao is one example, icon siya, Pilipino pride, kung may naging pagkakamali, ipagmamalaki ko pa rin kababayan ko siya.

Si dating first lady Imelda Marcos, ok nahatulan na, ang tagal nang sinisisi sa mga bagay na ilang dekada ng nangyari, kahihiyan?

Siguro sa iba oo, pero meron pa rin kampi sa kanya. What I mean, nang maging US citizen ka, may mga puna ka man sa Pilipinas isipin mo, taga ibang bansa ka na.

You talk about Trump, iyon nagaganap ngayon kung nasaan ka, huwag kang parang authority sa ibang bayan. Kung nandito ka at kung sasabihin mong Pilipino ka kaya affected ka, maniniwala pa ako.

Well, hindi naman kasi naging sikat na sikat si G Toengi kaya baka nga naman pag sinabi niya na international bad image si Manny Pacquiao at Imelda Marcos, maging daan para mapansin siya.

I feel sad for her, anyone na nakadarama ng kahihiyan para sa kababayan niya for me is pathetic. Whatever ‘bad’ basta kababayan mo, dapat maintindihan mo, ipakita mo, iisa tayong lahi, together we will be able to set things straight.

Hindi iyon announce mo pa, nakakahiya sila, ah kaya pala nagpalit ka citizenship nahiya ka. Si huwag ka nang makialam, diyan ka na lang noh, ‘di ka naman Pilipino.

Alden break ng one month

Bakasyon muna si Alden Richards sa Sunday PinaSaya dahil magpapahinga siya kapag natapos na ang Victor Magtanggol sa Biyernes.

Almost one month ang leave ni Alden sa Sunday PinaSaya kaya sa December na uli siya mapapanood sa top-rating Sunday noontime musical variety show ng GMA 7.

Kailangan ni Alden ng much needed rest dahil apat na buwan na non-stop ang pagtatrabaho niya. Bukod sa tapings ng Victor Magtanggol, araw-araw na napapanood si Alden sa Eat Bulaga at may mga out-of-town show pa siya kaya normal na mapagod ang kanyang katawang lupa.

Lara at Paolo laging magkabuntot

Naungkat ang secret relationship nina Lara Morena at Paolo Bediones dahil umapir ang former sexy star sa coronation night ng Queen of Quezon City sa UP Theater noong Sabado nang gabi.

Kahit hindi na active sa showbiz, kilala pa rin ng mga showbiz reporter si Lara kaya nag-wonder sila sa presence niya sa gay beauty pageant ng Quezon City.

Natumbok ng showbiz reporters ang tumpak na kasagutan nang ipakilala si Paolo bilang male host ng Queen of Quezon City at naging busy si Lara sa pagkuha ng picture at video ng kanyang dyowa.

Sa totoo lang, hindi naman itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon dahil makikita sa Facebook account ni Lara ang mga picture nila ni Paolo na magkasama.

Kung secret ang love affair ng dalawa, hindi magpo-post si Lara ng sweet photos nila ni Paolo at mahihiya sila na tawagin na “mahal” ang isa’t-isa.

Show comments