^

PSN Showbiz

Philippine Seas at Reel Time nag-uwi ng award

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Philippine Seas at Reel Time  nag-uwi ng award

Wagi na naman ang special documentary ni  ­Atom Araullo na Philippine Seas sa prestihiyosong Association for International Broadcasting Awards (AIBs) 2018 sa London nitong Nobyembre 7.

Ang kauna-unahang dokumentaryo ni Atom sa Kapuso Network ang itinanghal na pinakamahusay sa Science, Technology, Nature category. Tinalo nito ang ibang kalahok mula sa Al Jazeera English, CNN, at BBC News Digital.

Samantala, isa pang GMA News and Public Affairs program ang kinilala ng AIBs. ‘Highly Commended’ ang episode ng Reel Time na ‘Batang Maestro’ sa Domestic Affairs Documentary cate­gory.

Lumipad sa London upang tanggapin ang award para sa Pilipinas at sa GMA Network sina Philippine Seas Program Manager Lee Joseph Castel at Executive Producer Ian Simbulan kasama si Reel Time Program Manager Nowell Cuanang.

Short-listed naman o finalist sa Daily Journalism category ang  Marawi Liberation: War is Over ng GMA News TV  flagship newscast na State of the Nation Address with Jessica Soho.

November last year nang ipinalabas sa GMA-7 ang Philippine Seas kung saan ibinahagi ni Atom ang isang malalimang pagtalakay sa estado ng mga karagatan sa Pilipinas. 

Ipinakita naman sa Batang Maestro episode ng documentary program na Reel Time ang kuwento ng 12-gulang na si Dagul, na kasama ang kanyang kapwa ‘batang maestro’, ay sumusuong sa mahabang ilog ng Donsol habang nakasakay sa kawayang balsa upang maturuan ang kanilang mga estudyante.   

vuukle comment

LEE JOSEPH CASTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with