Jay-R, sa 2020 pa pakakasalan ang gf

Jay-R at Mica

Kamakailan ay nag-propose na ng kasal si Jay-R sa kasintahan ng limang taon na si Mica Javier. Masayang-masaya ang singer dahil iba raw pala ang pakiramdam ng taong magpapakasal na. “Ako kilig na kilig. As in everyday when I wake up, I have a smile on my face because I’m just very happy lang. You know life is good,” nakangiting bungad ni Jay-R.

Kahit engaged na ay sa 2020 pa umano pinaplanong maganap ng magkasintahan ang kanilang pag-iisang dibdib. “We’re very simple. So most likely the wedding is going to be very simple lang, small, intimate and definitely not next year. Kasi her brother is getting married. We want to be in nature for sure. Not sure yet kung sa beach or mountain or vineyard or outer space, or whatever. So maybe in 2020 pa,” pagbabahagi ni Jay-R.

Ayon sa binata ay talagang nakita niya kay Mica ang mga katangian na kanyang hinahanap sa isang babae lalo na ang pagiging masipag nito. “Marami pero if there was one thing definitely that convinced me, it’s the independence of Mica. She doesn’t rely on anybody. Talagang masipag siya,” giit ni Jay-R.

Christian, nagtatalon sa taping nang manalo ng best actor

Hindi raw inasahan ni Christian Bables na siya ang makasusungkit ng Best Actor award sa Hanoi International Film Festival kamakailan para sa pelikulang Signal Rock. Kasalukuyang nasa ta­ping  ng teleseryeng Halik ang aktor nang malamang siya ang nagwagi bilang Best Actor.  “Unexpected kasi no’ng pumunta ako do’n to attend the opening ceremony, nakikita ko ‘yung mga international actors, intimidating, ang gaganda ng postura, ang gaganda ng film nila, nakita ko ‘yung trailers, ang gagaling ng acting nila. Hindi ko in-expect ah. In-enjoy ko na lang ‘yung experience being in Hanoi International film fest. No’ng nasabi sa akin na ako daw ‘yung nanalo, nagtatalon ako sa set ng Halik. Instant celebration namin sa set,” kwento ni Christian.

Malaki ang pasasalamat ng aktor kay direk Chito Roño dahil sa pagkakapili sa kanya upang magbida sa nasabing pelikula. “Kasi totoo naman po, I’m nameless. Siguro unti-unti ko pa lang binubuo ‘yung pangalan ko. Ang masasabi ko itong mga na-achieve ko ngayon, marami pa akong kakai­ning bigas. Marami pa akong dapat matutunan. Even kung dumating ako sa puntong if it will be God’s will na makabuo ako ng pangalan, na matatakan ko ‘yung pangalan ko. I still have a lot to learn. That’s how I see myself now. Itong mga awards, itong mga recognition, sa akin bilang isang aktor, ito lang nagbubuo sa core ng pangalan na binubuo ko,” makahulugang paliwanag ng aktor.

Show comments