^

PSN Showbiz

Tatlong female host ng bagong bukas na bahay, iisang doktor ang nagretoke!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maigsi lang ang kuwentong ito pero rock! Inabangan ng publiko ang isang palabas na pinagmumulan ng mga bagitong artista. Sa bahay na ‘yun nadidiskubre ang mga pambatong artista ng isang network.

Tinawagan kami ng isang source, “Magkakatabi ngayon sina (tatlong female hosts ang kanyang sinabi) sa isang frame, di ba? They have something in common!

“Puro retokado ang tatlong ‘yan! At ang nakakaloka pa, isang doktor lang nagretoke sa kanila! Deny pa sila nang deny, wala raw silang ipinabago sa face nila!

“E, titigan mong mabuti, hindi na nga halos sila makahinga sa liit ng butas ng mga ilong nila, di ba? Isang doktor lang ang gumawa sa kanila,” madiing kuwento ng aming impormante.

Ang isang kasamahan nila ay walang ipinagawang kahit ano sa kanyang mukha. Kung ano ito nang ipakilala ng istasyon ay ganu’n pa rin ang kanyang itsura.

“Pero ang tatlong magkakatabi na ‘yan sa frame, makikipagputulan ako ng daliri sa kanila! Mag-deny sila sa harapan ko, paninindigan ko na isang doktor lang talaga ang gumawa sa kanila!” sumpa pa ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Female personality nakipagbalikan sa karelasyong nagmamaasim

Wala raw kadala-dala ang isang kilalang female personality ayon sa mga taong matagal na niyang nakakasama. Alam na nga raw niya na ipinaglihi sa mangga ang kanyang karelasyon pero nakipagbalikan pa rin siya.

“Umiiyak pa siyang nagsumbong nu’n sa mga friends niya, humihingi siya ng advise, ano raw ang gagawin niya? Pinagkaabalahan naman siyang payuhan ng mga iniyakan niya, pero ano ang nangyari? Nakuha na naman siya sa sweet talk ng lalaking ‘yun, binalewala lang niya ang mga payo ng mga taong nilapitan niya!” naiinis na kuwento ng aming source.

Nagpi-PDA na naman sila, kese­hodang hindi na bagay ang ganu’n sa kanilang edad, nakikita na naman silang super-sweet sa isa’t isa kahit napakaraming mga matang nakatuon sa kanila.

“Naku, bahala na siya sa buhay niya! Next time na magkaproblema na naman siya sa lovelife niya, e, baka wala nang makinig sa mga kuda niya.

“Umiyak man siya nang magdamag, e, wala nang mag-aabala pang magpayo sa kanya dahil hindi naman siya nakikinig!” madiing komento ng aming source.

Ubos!

G Toengi mas abala  sa pakikisawsaw kesa  sa pagiging waitress

Siguro nga ay walang masyadong pinagkakaabalahan sa Amerika si G Toengi kaya meron pa siyang sapat na panahon para maglabas ng mga saloobin tungkol sa mga nagaganap dito sa atin.

Malayuan man ang mga suntok at bira sa kanya sa social media ay siguradong nararamdaman pa rin ‘yun ni G Toengi, ginagawa siyang pulutan ngayon dahil ayon sa kanya ay hindi dapat ikarangal, kundi dapat ikahiya pa nga sina dating First Lady Imelda Marcos at ang Pambansang Kamao na si Senador Manny Pacquiao.

Mahigit na tatlong dekada na ang nakararaan nang maging malaking balita sa buong mundo ang magagarang sapatos ng dating Unang Ginang pero hanggang ngayon ay inuukilkil pa rin ‘yun ng aktres.

Sinabi rin niya sa kanyang post na boxer who turned Biblical fanatic si Senador Manny Pacquiao. Ano kaya ang buhay na meron sa Amerika si G? Sa pagkakaalam namin ay dalawa hanggang tatlong trabaho meron ang mga Pinoy sa Amerika, pero bakit kaya may panahon pang makialam si G Toengi sa mga nangyayari sa ating bayan, napakaluwag siguro ng kanyang oras sa bansa ni Uncle Sam.

Dahil sa pakikialam niya sa dalawang personalidad ay siya tuloy ang hinubaran ng mga kababayan natin. Ano raw ba ang markado niyang naiambag sa industriya ng pelikula at telebisyon?

Meron ba siyang nagawang proyekto na kahit nasa ibang bansa na siya ay naaalala pa rin ng mga Pinoy? Meron ba siyang pelikulang Himala na tulad ni Nora Aunor? Meron ba siyang piyesang tulad ng Anak ni Freddie Aguilar?

Oo nga naman. Habang sinusulat namin ang kolum na ito ay iniisip din namin kung anu-ano ang mga maipagmamalaking proyekto ni G Toengi nu’ng nandito pa siya pero wala rin kaming maalala kahit isa lang.

Meron kaming naaalala tungkol sa aktres, pero pang-blind item lang, dahil marami siyang ginawang kakuwanan sa buhay nu’ng nag-aartista pa siya.

Mas makagaganda siguro kung magpapakaabala na lang si G Toengi sa buhay niya sa Amerika. Sa pinakahuling balita namin ay waitress siya sa isang restaurant sa California.

Du’n na lang siya tumutok, huwag na siyang manghimasok pa sa buhay ng may buhay dito sa Pilipinas, manahimik na lang siya!

G TOENGI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with