MANILA, Philippines — Grabe naman ang sexual harassment issue sa natapos na Miss Earth 2018.
Nauna nang nagreklamo si Miss Canada Jaime VandenBerg na sinundan nina Miss Guam Emma Mae Sheedy and Miss England Abbey-Anne Gyles-Brown na nabiktima nga raw sila ng sexual harassment na nang-stalk sa kanila at pinipilit silang sumama sa Boracay.
Naganap ang Miss Earth coronation sa Mall of Asia Arena last Saturday at napanood last Sunday sa GMA 7.
Pero kinontra ang accusations ng tatlong kandidata ng representative from Cuba na si Monica Aguilar. Wala umanong ganung pangyayari sa kanila.
Sa isang online article din ay lumabas na dinenay ng organizer ng Miss Earth sa pangunguna ni Ms. Lorraine Shuck ang isyung sexual harassment dahil nang magreklamo raw sa kanila ay agad nilang pinabantayan at hindi naman agad nagsumbong si Miss Canada.
Pero ayon kay Miss Canada, isang nagngangalang Amado S. Cruz, ang lalaking nangmanyak diumano sa kanilang mga Miss Earth candidate. Sponsor daw ito ng pageant ayon pa kay Miss Canada at naganap ang pambabastos sa Manila Yacht Club.
Bukas ang pahinang ito kung may gustong linawin ang mga nabanggit sa kuwento.