SCENE: Mas malakas pa rin sa Metro Manila box office ang Hollywood movie na Bohemian Rhapsody kesa mga bagong pelikula, local at international, na nagbukas sa cinemas nationwide noong November 7, 2018.
SCENE: Sinabuyan ng fans ng mga confetti bilang last respect ang funeral car na may lulan sa labi ni Rico Puno habang bumibiyahe ito papunta sa Heritage Park.
SEEN: Ipagdiriwang ngayon ng Viva Entertainment ang 37th year anniversary. Itinatag ni Boss Vic del Rosario noong November 11, 1981 ang Viva Films na kilala sa paggawa ng mga de-kalidad na pelikula. Sina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Anne Curtis at Regine Velasquez ang ilan sa mga sikat na aktres na binigyan ng malaking break sa pelikula ng Viva.
SEEN: Art professor na si Jao Mapa dahil empleyado na siya ng Canadian American School sa Makati City. Mas maganda ang kinabukasan ni Jao bilang art teacher kesa balikan niya ang kanyang showbiz career.
SCENE: Ang pasasalamat ni Jinggoy Estrada kay Davao City Mayor Sara Duterte dahil suportado nito ang senatorial bid niya sa May 2019 elections. Si Sara ang founder at pinuno ng regional party na Hugpong ng Pagbabago. Muling nagkita sina Jinggoy at Inday Sara sa Tacloban City noong Miyerkules, November 7, 2018.