Igan may pa-golf sa birthday
![Igan may pa-golf sa birthday](https://media.philstar.com/images/articles/show1c_2018-11-07_00-12-57.jpg)
MANILA, Philippines — May birthday celebration ang Igan ng bayan ngayong Wednesday night (November 7) sa Tonight with Arnold Clavio.
May temang golf ang episode nila dahil kilalang adik sa golf si Igan Arnold. Pero bukod sa pagiging libangan, golf din ang paraan ng kanyang IGAN Foundation para makatulong sa kapwa gaya na lang ng mga kabataang may sakit na diabetes. Samantala, mga kalaro naman sa golf ang darating para makakulitan ni Igan.
Sasabak sa Friendship Quiz ang kaibigan niyang si Cesar Lacuna at kasamahang radio announcer na si Joel Zobel, habang ang aktor namang si John Estrada ang tatayong game host.
Huwag palampasin ang masayang birthday celebration ni Igan sa Tonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:15 ng gabi sa GMA News TV.
- Latest