Tabon ni Xian wala nang urungan sa Cinemalaya
Isa ang kuwento ni Xian Lim na Tabon sa 10 pelikula na napili para makasama sa full-length category ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2019.
Ang mga ito ay inihayag ng Cinemalaya Competition Director na si Mel Chionglo. Si Xian din ang magdidirek ng kanyang kuwento na gagawing pelikula.
Ang siyam pa ay ang Ani nina Kim Zuniga at Sandra del Rosario; Ward - Thop Nazareno; Annak Ti Karagan (Children of the River) - Maricel Cabrera-Cariaga; Pandanggo - She Andreas; Belle Douleur (A Beautiful Pain) - Joji Alonzo; Malasaya - Leni Chavez, Danica Sta. Lucia; John Dever Trending - Arden Rod Condez; Fucc Bois - Eduardo Roy, Jr.; at Isko -Theodore Boborol.
Vice biglang sumulpot sa harap ni Zeus
Hindi natiis ni Vice Ganda na hindi puntahan si Zeus Collins sa dance concert nito sa SM Skydome. First time ito ng Pinoy Big Brother alumnus na magkaroon ng isang major concert kaya inimbita niya si Vice pero, tumanggi ito at nagsabing mayro’n na siyang unang commitment.
Nalungkot si Zeus pero, naintindihan niya na may mas nauna sa kanya na mag-imbita sa Unkabogabol Star. Kaya laking gulat niya nang umilaw at makita niyang nakaupo ito sa pinaka-unang row sa harap ng stage at pinanonood siya.
Ate Vi maraming yaman dahil sa pelikula
Sa Hong Kong nag-celebrate ng kanyang birthday si Cong. Vilma Santos-Recto, kasama ang mag-ama niyang sina Sen. Ralph Recto at Ryan Christian.
Tatakbong muli ang actress turned politician bilang kinatawan ng Batangas sa kabila ng maraming alok at suhestyon na tumakbo siya sa isang mas mataas na posisyon.
Inamin ng magaling na aktres na may kumportable silang buhay at isa sa pinaka-mayaman sa senado pero, sinabi niyang hindi lahat nito ay bunga ng pagiging pulitiko nila, marami sa ipon nila ay nagmula sa kanyang pag-aartista.
Regine, may panakot na sa mga basher
Sa kabila ng pagyayaring meron at merong mawawala sa ASAP sa pagdating ni Regine Velasquez-Alcasid, walang nakikitang pagbabago sa pagtanggap ng mga Kapamilya sa dating Kapuso.
Magiliw ang pakikitungo ng lahat sa asawa ni Ogie Alcasid na hindi pumayag at sinagot ang mga basher niya at balak pa niya sila turuan ng leksyon. Kaya kayong mga basher, umayos kayo at baka maraming artista ang matuto ng leksyon kay Regine at balikan din kayo.
Aiko nakaisip ng bagong negosyo
Marunong sa buhay si Aiko Melendez. Bukod sa kanyang pag-aartista ay balak niyang pasukin ang pagdidirek pero, paghahandaan muna niya ito. Kukuha siya ng course sa pagiging director na magagamit din niya sa binabalak niyang pagtatayo ng sarili niyang movie production.
Hindi lang mga pelikula ang balak niyang iprod- yus, pati mga concert ay papasukin din niya.
Sa kabila ng marami niyang gawain, hindi napapabayaan ni Aiko ang kanyang lovelife.
- Latest