PH bets sa Hespanoamericana at Miss Earth, luhaan!

Sylvia at Alyssa

SEEN: Luhaan sa Reina Hispanoamericana 2018 ang Philippine bet, ang singer-actress na si Alyssa Muhlach Alvarez dahil hindi man lamang siya nakasali sa Top 10 candidates ng international beauty pageant na ginanap noong November 3 (November 4, Philippine time) sa Sta. Cruz, Bolivia. Hindi na-duplicate ni Alvarez ang tagumpay ni Winwyn Marquez.

SCENE: Si Nariman Cristina Battikha ng Venezuela ang Reina Hispanoamericana 2018. Virreina Hispanoamericana 2018 si Miss Brasil Isabele Pandini Nogueira, first runner up si Miss Mexico Aranza Anaid Molina, 2nd runner up si Maria Belen Alderete ng Paraguay at 3rd runner up si Miss Bolivia Marian Joyce Prado.

SEEN: Luhaan din sa Miss Earth 2018 si Miss Philippines Sylvia Celeste Cortesi, ang Wo­wowin co-host na pumalpak ang sagot sa question and answer portion sa beauty contest na ginanap noong Sabado sa Mall of Asia Arena.

SCENE: Miss Earth 2018 si Miss Vietnam Nguyen Phuong Khanh, si Miss Austria Melanie Mader ang Miss Earth Air, Miss Earth Water si Valeria Ayos ng Colombia at Miss Earth Fire si Miss Mexico Melissa Flores.

SEEN: Nauna pa ang live guesting kahapon ng Miss Earth 2018 winners sa Sunday PinaSaya kesa sa airing ng coronation na napanood kagabi sa SNBO ng GMA 7.

SCENE: Walang alam ang mga nagsasabi na hindi si Imee Marcos ang producer ng Oro, Plata, Mata at Himala dahil siya ang Director General ng Experimental Cinema of the Philippines noong 1982. Mga project ng ECP ang Oro, Plata, Mata, Himala, Misteryo sa Tuwa, Soltero at Isla. Sina Charo Santos-Concio at Bibsy Carballo ang mga producer ng mga pelikula na pinondohan ng ECP.

Show comments