Mayor Kring Kring umamin sa pinagdadaanan nila ni alfred

MANILA, Philippines — True nga na may pi­nag­­daraanan ang mag-asawang sina Tacloban Mayor and former actress Cristina Gonzales and ex Mayor Alfred Romualdez. Ito ang inamin ni Mayor Kring kay tita Aster Amoyo na official publicist ng alkalde ng Tacloban.

Sa kanyang column na  lumabas sa sister publication ng PSN na Pang Masa (PM) today, ginagawa raw ng dating actress ang lahat para maisalba ang kanilang marriage of 20 years.

“I love my husband and our kids.  I love my family.  Hangga’t maaari ay gusto kong buo ang pamilya namin.

“We are no different from other couples na nagkakaroon ng problema and we’re trying to fix our problem,” statement ni Mayora kay tita A.

Hindi na kakandito si Kring-Kring sa May 2019 elections dahil babalikan ng businessman and ex Mayor Alfred ang dating position. 

Show comments