MANILA, Philippines — May snow ghosts, zombies, gumagalang mangkukulam at aswang pero may Snow Man din naman na nakikipaglaro. Lahat ‘yan ay makikita ninyo sa loob ng Snow World Manila.
Yup, kakaibang pagdiriwang ito ng Halloween sa loob ng Snow World, kagaya nang nakaugalian every year.
Pero hindi kayo dapat matakot. Gumagawa lang sila ng mga horror figures sa loob ng Snow World na mga cute at nakakatuwang figures na magugustuhan kahit na ng mga bata. Sinasabi nga nila hindi naman talaga dapat na gawing katatakutan ang Halloween. Hindi naman isang scary festival ang paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa at Araw ng mga Santo.
Kaya hindi dapat matakot kung matapos kayong mag-slide sa pinaka-malaking man made ice slide sa buong mundo, ang sasalubong sa inyo sa dulo ay isang zombie. Katuwaan lang naman daw ‘yan dahil nga sa Halloween.
Maging ang mga mangkukulam ay makakasalubong n’yo sa Snow World cafe, at may mga nakalibing sa Snow sa play area.
Pero tulad nga ng sinasabi nila, cute ang mga creature at hindi dapat katakutan, after all ang Snow World ay ginawa para maaliw lang.
Bukas araw-araw ang Snow World from 4:00 p.m. weekdays, at from 2:00 p.m. pag weekends at kung holidays, kabilang na ang All Saints’/Souls’ Day sa November 1 at November 2.
Paalala lang nila ha, ayon sa mga nakaranas na ng Snow World talagang parang totoong winter sa loob nito. Negative 15 degrees ang lamig sa loob. Pero may mga thermal jackets namang ipinahihiram ang Snow World Manila para mag-enjoy sa kanilang 365 days winter.