Senator Win Gatchalian ‘di kailangan ng tulong para magka-GF!

Ewan ko ba kung bakit naisip ni Atty. Ferdie Topacio na manawagan para magkaroon ng lovelife si Senator Win Gatchalian Mama Salve.
To think na nanawagan pa siya kay Bela Padilla ha, kaloka talaga! Nagtataka ako kung bakit kailangan itong gawin samantalang si Papa Win ay isa sa mga bachelor na may pinakamagandang credential. Binata, achiever, pogi, at rich Asian na kahit sinong babae na pipiliin niya ay magiging masuwerte.
Malamang nga na iyong mga mother na may anak na dalaga ay pangarap siyang maging manugang. Bihira na ang mga lalaking tulad ni Papa Win sa panahong ito, at usually ‘pag ganun na ang na-achieve sa career ay pwedeng choosy na nga siguro.
‘Di na uso ngayon ang lalaki na nali-link sa kung kani-kaninong babae. ‘Di na rin uso na maaga pa lang ay may asawa na. Usually ngayon, dapat ma-pursue mo muna ang lahat ng gusto mo sa buhay bago nila isipin ang married life.
Saka bakit si Atty. Topacio ang nanawagan para magkaroon ng GF si Papa Win? Hindi kaya siya ang interested kay Bela Padilla? Hahaha. Joke lang.
Sa totoo lang, hindi na kailangan i-advertise para maghanap si Sen. Win ng girlfriend noh. May hitsura at magandang magdala ng damit si Papa Win, bukod sa matalino siya kaya mentally challenging na maging boyfriend siya kaya dapat matalino at very sharp ang babae na magiging karelasyon niya.
Sa tamang panahon, sa tamang babae, huwag madaliin si Papa Win, si PNoy nga hanggang ngayon single pa rin noh. Basta, good catch si Papa Win, sure ako nag-aabang lang ang marami sa tabi-tabi, kaya lang nga very choosy siya. Hah hah, ikaw na lang Atty. Topacio ang maghanap, para mapabilis ang matchmaking mo pero tingnan mabuti ang qualification noh, maging choosy.
Billy never nagbago
Nakita ko si Coleen Garcia sa Boracay at bigla naalala ko si Billy Crawford. Alam mo ba na 7 years old si Billy nang makasama ko sa aking first and last movie? Hah hah, kaloka talaga si Direk Ben Yalung na pinilit talaga ako na lumabas na yaya sa isang movie na pinagsamahan noon nila Bong Revilla at Ronnie Ricketts.
Grabe talaga ang ham acting ko kaya pinatay agad ako sa movie. At dun ako naging malapit sa nanay ni Billy, na nang nasa New York ako nung panahon sikat sa Europe ang anak niya, siya pa ang nag-entertain sa amin sa bahay nila sa Roosevelt Island.
At naalala ko pa na naglalakad ako sa Times Square ay hinabol ako ni Billy na may kasama pang assistant para lang batiin kami.
Never na nagbago si Billy na pinalaki ng kanyang mommy sa Filipino traditions - magalang, mabait, hindi lumaki ang ulo at talagang nakita ko sa Paris noon ang malaki niyang billboard ha na patunay na sumikat siya dun.
Bagay sina Billy and Coleen. Sana they will last fore ver. Remember, like Papa Miguel Belmonte, naging Yaya Dub mo rin ako Billy ha, kaya dapat love mo rin ako hah hah. Mag demand ba?
Paolo at Alex walang ilangan sa Iceland
First week ng October 2018 nang magpunta sina Paolo Contis at Alessandra de Rossi sa Iceland para sa shooting ng Through Night and Day, ang pelikula na joint production venture ng Viva Films at OctoArts Films.
Si Veronica Velasco ang director ng Through Night and Day at dahil mabilis magtrabaho, natapos agad ang shooting ng project at ready na itong ipalabas sa mga sinehan sa November 14.
Gamay nina Paolo at Alessandra ang isa’t isa dahil nagsama na sila sa Spirit of the Glass (2004) at One Night Only (2008) na parehong produksyon ng OctoArts Films.
Hindi ko kilala nang personal si Veronica Velasco pero nagmarka sa akin ang pangalan niya nang mapanood ko sa Cinema One ang pelikula na kanyang ginawa noong 2006, ang Inang Yaya na pinagbidahan ni Maricel Soriano.
- Latest