Boracay Legacy na ni Digong!
Maituturing na lifetime legacy na ng Duterte government Mama Salve. ‘Yung darating na generation, magsasabi na ang ganda ng Boracay at lagi nilang iisipin ang nagawa nila Sec. Mark Villar at Berna Romulo-Puyat. Ang ginawang mural na eye-catching talaga pagdating mo sa island laging magpapaalala how Bora was save from destruction.
Medyo nahiya nga si Happy Ongpauco-Tiu dahil hindi pa dapat bukas ang Discovery Shores pero hindi nila matanggihan ang mga guest kaya kahit undermanned at medyo nagri-reorient pa ang staffs, sige na lang. How nice to see all the guests of the of the island na impress na impress sa pagbabagong nakita. Nakakamangha talaga. Hindi inakalang mangyayari ‘yun.
Even the foreigners are raving sa renovations na ginagawa all around the island.
Thank you again for inviting us. Forever grateful to be part of the history.
Villar Family iba ang kabaitan
I think I owe this one to the Villar family. Gusto ko talagang magpasalamat sa friendship nila at trust na binigay for 27 years. Honestly, nung una, I take it as just an employee being treated well by her boss. From Ditas to Avec, Nini at Anna Mae, lahat mabait at tiwala kung ano ang sabihin at i suggest ko. Then for so many years, hayun congressman pa si Manny Villar, hanggang senador, hanggang kumandidatong President. I felt the love and trust as a person, and now I really, really feel na parang family ang alaga nila sa akin. Pati ang mag-asawang si Sec. Mark, ipinagkatiwala niya rin ang asawa niya na si Cong. Emmie Aglipay Villar sa akin, inilapit din niya sa grupo ko. For that, siguro, kahit ano pa sabihin pagtitiwalaan ko si Camille Villar sa pagpasok niya sa bagong mundo, ang pulitika. Noon pa, ang bait-bait na niya, so simple samantalang nag-iisang anak na babae nila Sen. Manny at Cynthia Villar.
The way they treated me hindi pa ako si Lolit Solis noon, nakita at nadama ko ang pagiging tunay na tao ng mga Villar. Kaya naman love na love ko talaga sila.
Pres. Digong ‘di nagkamali kina Sec. Mark at Sec. Berna
Maikukumpara kay Wonder Woman si Department of Tourism Secretary Berna na kasama namin sa muling pagbubukas ng Boracay island noong Biyernes pero bumalik agad sa Maynila dahil sa guesting niya kahapon sa Eat Bulaga para sa grand finals ng Miss Millennial Philippines 2018. Sabay silang lumipad ng Manila ni Sec. Mark dahil meron din siyang commitment dito sa Manila kahapon.
Hindi nagkamali si President Rodrigo Duterte sa appointment niya kina Sec. Puyat bilang tourism secretary at Sec. Mark dahil masipag at very competent silang public officials.
Ang ganda-ganda na ng Boracay dahil parang paraiso na uli ito. Nang ipasara ni Papa Digong ang Boracay noong April 2018, marami ang umalma, nag-emote at nagalit dahil apektado raw ang kanilang mga kabuhayan. After six months, ang mga nagreklamo at nagalit noon ang masayang-masaya ngayon at nagpapasalamat kay Papa Digong dahil nanumbalik ang mala-paraiso na kagandahan ng isla.
- Latest