MANILA, Philippines — Ito na, this is it.
Ngayong araw na bubuksan ang Boracay after six months of rehabilation na isinagawa ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) and Department of Tourism (DOT).
Tinutukan nang husto nina DPWH Sec. Mark Villar and DOT Sec. Berna Romulo-Puyat ang pagsasaayos nito.
Last week pa excited si Sec. Mark at maging si Sec. Berna.
Ang panawagan nila, sana pangalagaan ang bagong gawang isla at sumunod sa rules and regulations na ipatutupad nila ang lahat ng mga bibisita sa isla.
May malalaki na ring trash cans na nakahanda, wala na ang dating mga small bar, ang mga nagpa-fire dance, mga nag-iinuman at kung anu-ano pa na sumira sa mala-paraisong Bora.
Nasa Bora na sina Sec. Mark and Sec. Berna na pangungunahan ang opening ngayong umaga.