Marian sosyal ang TF sa mga pabango sa bahay at kandila
Confirmed na maarte si Marian Rivera dahil inamin nito sa press launch ng Beautederm Home na pag-aari ni Mama Rei Tan na maarte siya sa bahay as in sinisiguro niya na always mabango ang tahanan nila ni Dingdong at ng kanilang anak na si Zia.
Ang ugali ni Marian na mahilig sa malinis at mabango na bahay ang dahilan kaya tinanggap niya agad ang offer para maging celebrity endorser ng Beautederm Home na maraming klase ng home scents, candle, room at linen sprays.
At dahil sosyal ang mga produkto ng Beautederm Home pero affordable ang mga presyo, sosyal din ang talent fee na tinanggap ni Marian na good taxpayer kaya hindi siya afraid na sabihin na sosyal ang halaga na ibinayad sa kanya.
Actually, secondary lang kay Marian ang talent fee kapag may mga offer sa kanya na mga product endorsement. Mas mahalaga sa kanya na naniniwala siya sa produkto at talagang ginagamit niya kaya very credible si Marian na celebrity endorser.
Ngayong buntis si Marian sa second baby nila ni Dingdong, lalong naging kaaya-aya ang amoy ng kanilang bahay dahil talagang weakness niya ang mabango at malinis na kapaligiran.
Naniniwala si Marian na masaya, umaapaw ang pagmamahalan, care at comfort sa isang tahanan kapag warm, safe at pleasant ang paligid.
Dating Goin’ Bulilit Kids bida sa Class Of 2018
Kahapon ang grand presscon ng Class of 2018 ng T-Rex Entertainment pero hindi na ako nagpunta dahil alam ng lahat na tuwing Huwebes ang beauty day ko.
Ang Class of 2018 ang suspense-thriller project ng T-Rex Entertainment at launching movie ng former Goin’ Bulilit kids na mga dalaga at binata na, sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Navato, Kristel Fulgar at Kiray Celis.
Parang kailan lang, mga paslit na bata pa ang lima pero ngayon, mga adult na sila.
Nagpapasalamat ang mga bagets sa T-Rex Entertainment dahil binigyan sila ng launching movie na mapapanood sa sinehan pagkatapos ng All Saints Day.
Sa November 7 ang playdate ng Class of 2018 kaya ito ang post Halloween presentation ng T-Rex Entertainment.
Si Charliebebs Gohetia ang direktor ng Class of 2018. Hindi baguhan si Charliebebs sa paggawa ng pelikula dahil nagtrabaho siya noon bilang assistant director ng Cannes Best Director na si Brillante Mendoza.
Nakagawa na rin si Charliebebs ng mga indie movie at ang Class of 2018 ang unang mainstream project niya.
Malaki ang naitulong ng magandang training ng Goin Bulilit staff at director sa stars ng Class of 2018 dahil may disiplina sila at alam nila ang tunay na kahulugan ng professionalism kaya never na nagkaroon ng problema sa set.
Bagong alaga ni Leo na Fil-Austrian, iba ang ganda
Nakita mo na ba, Mama Salve, ang kumbinasyon ng isang Filipina at isang Austrian?
Ang ganda ng bagong alaga ni Leo Dominguez na si Marie Preizer na sa Austria ipinanganak pero magaling mag-Tagalog, at touching dahil mahal na mahal niya ang Pilipinas. All thing Filipino ang gusto niya mula sa pagkain, music, movies, at teleserye.
Nagkaroon na ng chance na lumabas sa theatre sa Austria si Marie pero mas gusto niya talaga dito at mag-aral muna.
Abala ngayon ang dalaga sa workshop para mas mahasa ang kanyang kakayahan.
Good luck Marie, you are in good hands with Leo as your manager.
- Latest