Matindi ang pagbabantay kay Pia Wurztbach nang inilunsad siya bilang Calendar girl 2019 ng Ginebra San Miguel.
Ginanap ang launching kamakalawa ng gabi sa EDSA Shangri-la Hotel na talagang pinaghandaan nang husto ng naturang kumpanya dahil kasabay ito ng pagdiriwang ng 185th year ng naturang produkto next year.
Kaya kinuha nila ang Ms. Universe 2015 dahil talagang malaking selebrasyon ito sa kanila next year.
Narinig ko nga roon mula sa isang executive nila na sinabi niyang susulitin nila nang husto dahil ang mahal daw ng bayad nila sa kanilang bagong calendar girl.
Sabi ni Pia, medyo naalangan daw siyang tanggapin nung una dahil hindi siya natutuwa sa katawan niya. Humingi lang daw siya ng sapat na panahong mapaghandaan ang pictorial.
Kaya nagpa-train siya sa dati niyang trainer na nagturo rin sa kanya nung sumali siya sa Ms. Universe.
Sabi niya; “You guys will see that I go to the gym everyday.
“My trainer who’s actually also the one who trained me for Ms. Universe based in Australia. So, sa app lang kami nag-uusap, and then… it’s really about the discipline you know.”
In fairness, na-achieve naman niya ang ganda ng katawan at proud siya na sinabing mas maganda pa raw ito ngayon kumpara nung sumali siya sa Ms, Universe.
Kaya tuwang-tuwa ang mga taga-Ginebra sa kinalabasan ng pictorial na napaka-sexy.
Kahit nga raw si Martin Stockinger ay proud din sa pictorial niya sa naturang calendar.
“He’s very proud. He knows that I really prepared for this…but more than that, he’s very proud that I finally did this fitness journey and I’m doing it already,” pakli ni Pia.
Pero nang tinanong na siya tungkol kina Gerald Anderson at Bea Alonzo, ang bilis humarang ng isang babaeng tumatabi sa kanya.
Nabanggit kasi ni Pia na meron siyang gagawing show sa ABS-CBN na parang reality show, pero hindi pa raw niya alam kung sino ang makakasama niya.
Sinundan ng tanong na posible kayang si Gerald Anderson? Kumportable ba siyang to work again with Gerald? Kaagad na hinarang ang tanong na iyun at hindi na pinasagot kay Pia.
May sumundot pa na tanong tungkol sa interview kay Bea sa Gandang Gabi Vice, ibinasura agad ang tanong na iyun, at smile lang si Ms. U!
Ang bilis magbaril ng tanong ng isang babaeng katabi ni Pia kapag tungkol sa isyung kinasangkutan kina Gerald at Bea, hindi pinasagot sa kanya, at nakangiti lang ang beauty queen/actress.
Eva malalaman na kung makakatulong ang pagkadulas sa Miss Rand International
Ngayong araw ang laban ng kandidata nating si Eva Patalinjug sa Ms. Grand International 2018 na gaganapin sa Myanmar.
Ang pagkakaalam ko, si Xian Lim ang host sa naturang international beauty pageant na ginawa rin noon sa Vietnam.
Isa sa malakas na kandidata si Eva na hinuhulaang lalaban para sa koronang iyun.
Lalo siyang pinag-usapan at kaagad nag-trending ang pagkadulas niya nang rumampang naka-gown sa prepageant.
Ipinost ni Eva ang kuhang iyun sa kanyang Instagram account at sabi niya sa caption nito; “Our greatest glory in life is not in never falling, but in rising every time we fall.
“Tonight, my heart is filled with joy knowing that my entire country stoop up with me when I fell at the @missgrandinternational stage.
“I hope that I have shown courage, strength and the essence of rising from every stumble in life.
“Laban mahal kong Pilipinas!”
Ang daming nagbigay ng positive comments kung paano na-carry ni Eva ang pagkadulas niyang iyun.
Mga kapwa beauty queen ang pumuri sa kanya kagaya nina Winwyn Marquez, Karen Gallman, at marami pa.
May ilang nam-bash, pero kaagad silang ipinagtanggol ng mga follower nito at kapwa beauty queens.
(Studio 7 kailangan ng mas malalaking star
Congratulations sa lahat na bumubuo ng Studio 7 dahil mataas pa rin ang nakaraang episode nung nakaraang Linggo.
Sa AGN NUTAM Survey, nakakuha ito ng 10.4 percent.
Lalong tuloy na-challenge si Julie Anne San Jose na pabonggahin ang mga production number nila dahil sa maganda ang feedback sa kanilang musical show.
Pero agree rin kami sa comment ng iba na dapat more Kapuso big stars pa raw sana ang mag-guest para mas star-studded ito.
Samantala, mataas din ang iba pang programa nung nakaraang Linggo gaya ng Amazing Earth ni Dingdong Dantes. Talbog din ng Daig Kayo ng Lola Ko na 9.9 percent.