Salamat sa artista na si Iya Mina dahil mas lalo pang pinag-uusapan ngayon ang Cinema One Originals 2018 dahil sa pagkakapanalo niya bilang Best Actress para sa pelikulang Mamu; And a Mother Too.
First time ito na manalo ng Best Actress award ang isang transgender.
Tinalo niya ang mga may malalaki ring pangalan para sa nasabing category – sina Rufa Mae Quinto, Meryl Soriano, Chai Fonacier, Loisa Andalio at Eula Valdez. Nanalo rin ang Mamu… bilang Audience Choice at si Aaron Villaflor bilang Best Supporting Actor. First time itong mangyari kaya maiiwasan bang mas mapag-usapan ang isa sa ginaganap na indie film festival sa bansa?
Nanalong Best Actor naman si Alwyn Uytingco para sa Asuang at si Mary Joy Apostol bilang Best Supporting Actress sa pelikulang Hospicio.
Roxanne lumutang ang kaseksihan sa Los Bastardos
Ano kaya ang inspirasyon ni Roxanne Barcelo sa biglang paggaling ng kanyang acting? Ang ganda ng ipinamalas niyang performance sa mga unang episodes ng Los Bastardos.
Bentahe ni Roxanne ang pagiging maganda at sexy. Puwede siyang bida o kontrabida pero, parang dito siya sa huli talagang nag-excel. Magiging malaking challenge ito para sa mga artistang kabilang sa nasabing serye.
Signal Rock inaabangan sa Oscars
Isa pala tayo sa 87 na bansa na pinagpipilian sa 2019 Oscars for Best Foreign Language category. Meron tayong ipadadala sa napaka-prestihiyosong awards derby, ang Signal Rock ni Chito Roño starring Christian Bables.
Sana mapili ito sa rami ng mga entry na may mga paborito na this early. Anim dito ang mapapanood sa October 21-30 sa mga piling sinehan sa Metro Manila. Ito ang Shoplifter ng Japan; Cold War ng Poland; Burning ng South Korea; The Great Buddha ng Taiwan; The Heiresses ng Paraguay; at Malila, the Farewell Flower ng Thailand.
Gina at Eddie bida sa pelikula ni Direk Dan
Parang interesting yung movie ni Dan Villegas na Hintayan ng Langit kung saan tampok sina Gina Pareño at Eddie Garcia. Makakabawi si Gina sa matagal niyang absence from both the small and big screens sa isang naiibang kuwento ng pag-ibig na umabot hanggang sa kabilang buhay.
Script ito ng makatang si Juan Miguel Severo na may talento din pala sa pagsusulat at unang nagparamdam at kumuha ng pansin sa pelikula ng KathNiel na The Hows Of Us.