^

PSN Showbiz

Singer na galing sa competition nagkanda-letse letse ang career dahil sa bf na maepal

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isinusumpa ng isang grupo ng mga show promoters ang isang female performer na produkto ng isang malawakang labanan sa pagkanta. Sinuportahan siya ng ating mga kababayan para kahit paano’y matupad ang pangarap niyang makilala.

?Hindi man siya ang nagkampeon, ipinagmamalaki pa rin siya ng mga Pinoy, dahil nakilala siya habang umaandar ang kumpetisyon. Matinding text support ang nakuha niya mula sa ating mga kababayan.

?Kuwento ng aming source, “Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Nagpapadala siya sa kung ano ang ibinubulong sa kanya ng boyfriend niya! Imagine, meron siyang producers dito sa atin, pero tumatanggap din sila ng mga shows sa iba nang walang pakundangan sa mga kausap nilang producers dito.

?“Hindi na pala umuuwi sa kanila ang girl, nagli-live-in na sila ng BF niya, kontrang-kontra pala ang parents niya sa lalaking kailan lang niya nakilala, pero halos luhuran na niya!

?“Lahat ng sabihin ng lalaki, amen lang siya nang amen. Hindi siya kumokontra, kahit pa pirmado siya sa kontratang pinagkasunduan nila ng local produ­cers niya!

?“Ang nangyayari tuloy, e, nagkakagulu-gulo ang schedule niya. May tinatanggap ang local produ niya, meron ding trabahong kinukuha ang boyfriend niya!” simulang kuwento ng naiinis naming source.

?Galit na galit sa female performer ang local producer niya, may plano na itong kasuhan siya, pati ang kanyang atrebidong boyfriend na umaastang manager niya.

?“Sa totoo lang, wala na siyang career sa bansang pinanggalingan niya, dito na lang siya nagkakaroon ng career, pero dinadaot pa ng karelasyon niya!

?“Puro maliliit na bars na lang ang kinakantahan niya sa bansa nila, barya-barya lang ang kinikita niya, kasyang-kasya lang sa panggastos nila ng boyfriend niya!

?“Walang utang na loob ang babaeng ‘yun! Napakalaki ng naitulong sa kanya ng local producer niya, pero ‘yun pa ngayon ang iniipit nila!

?“Kundi pa siya mukhang ewan kapag wala siyang make-up! Nagkakaitsura lang naman siya kapag mine-make-up-an siya! Wala nang mangyayari sa career ng babaeng ‘yun na pati magulang,e , tinalikuran na niya nang dahil sa boyfriend niyang mukhang wrestler!” madiin pang pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

OPM Hitmen kering mag-perform ng tatlong oras, walang pahingahan 

Mula sa pagraket nila sa iba-ibang bansa ay mapapanood na uli ang The OPM Hitmen na binubuo nina Richard Reynoso, Chad Borja, Rannie Raymundo at Renz Verano sa October 27 nang gabi sa Music Museum.

?Special guest nila sa concert ang Asia’s Diva na si Dulce. Isang gabi ng kantahan ito mula sa mga pinasikat nilang piyesa na binago nila ang areglo.

?Ang bentahe ng The OPM Hitmen ay puwede silang kumanta nang dire-diretso sa loob nang tatlong oras, may nakahanda silang production numbers, hindi sila nauubusan.

?Masipag silang dumiskarte ng mga kantang babagay sa kanila na malalapatan ng grupo ng panibagong atake. Si Renz Verano ang namamahala sa mga bookings ng grupo at si Richard Reynoso naman ang namamahala sa coordination.

?Wala silang kahirap-hirap kunin bilang perfor­mers, hindi ka makakarinig ng kahit anong reklamo tungkol sa kanilang working attitude, sila ang palaging hinihingi sa amin ng mga kaibigang nangangailangan ng performers.

?Sabi ni Richard Reynoso, “Mahal po namin ang trabaho namin, walang ibang puwedeng magmahal sa career namin kundi kami-kami lang. Kung ano ang kailangan, ‘yun po ang ibinibigay namin.

?“Gusto nila ng puro masasayang songs, meron kami nu’n. Ballads? Mas marami po kaming nakahanda para sa audience namin. Ang nanonood po dapat ang nasusunod, hindi kami,” komento ng magaling na singer.

Ang The OPM Hitmen, Live! With Special Guest Dulce ay mula sa matinding suporta ng Baliwag Lechon Manok-Liempo (Tita Dolly Salcedo at Jeff Oreta). Nuel Café’ (Judge Eugene Paras at Attorney Nuel Gatcho) Mileage Asia Corporation at Elm’s Kapihan & Bar (Mr. Elmer Ngo), Livergold ng Better Option Pharmaceutical, Inc. (Mr. Roi de Leon), Black Beauty Shampoo & Conditioner ng Manyip Corporation (Mr. David Chan at Abel Cambe), People’s Gene­ral Insurance (Mama Fely dela Cruz) at ng Lucky 7 Koi Productions (Tito Henry at Tita Lily Chua).

RICHARD REYNOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with