Sikat na transgender supermodel/lawyer ng Thailand nasa ‘Pinas, magpapasabog
MANILA, Philippines – Whew nasa ‘Pinas pala ngayon ang Asia’s top transgender supermodel/lawyer/internet sensation ng Bangkok, Thailand na si Mader Sitang. At may pasiklab siya ngayong gabi (October 20) sa Fahrenheit Café, E Rodriguez Sr. Ave, QC 11 PM at One 690 Entertainment, Roces Avenue, QC ng 12 Midnight. Bukas (October 21) naman ay mapapanood pa rin siya sa One 690.
Yup, nilusob ni Mader Sitang ang Manila para pasayahin ang mga Filipino fans, hindi n’yo na kailangang bumiyahe sa Bangkok.
I’m sure mapapanood ang nakakaaliw niyang signature hair flipping dance moves.
Ang pinag-uusapang Mader Sitang Manila Tour phenomena ay handog ng Mr. Gay World-Philippines 2009 (former National Director) and WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc.,) founder at President na si Wilbert Tolentino.
“Prepare yourself for a wind blowing Sitang extravaganza!”, deklara ni Mr. Tolentino na isa ring LGBTQ influencer.
- Latest