MMFF hinihintay ang paliwanag sa ‘switching’
MANILA, Philippines —Wala pang update kung anong decision ng Metro Manila Film Festival sa latest controversy na umano’y switching sa isang entry.
Ayon sa usap-usapan umano’y ang Alpha the Right to Kill ni Brillante Mendoza ang totoong nakasali sa 8 official entries pero nang magkaroon ng announcement last week, iba ang lumabas, ang pelikula ni Direk Joven Tan na Otlum.
May ilang naghihintay kung may pagbabago o magi-stict na lang sila sa nailabas nang listahan.
Walang taon na hindi nababahiran ng isyu ang MMFF. Actually, pag walang controversy parang hindi MMFF ‘yun. Hehehe.
Anyway, kung controversial ang MMFF, least controversial naman ang nagaganap na kauna-unahang Pinoy Playlist Music Festival na inorganisa nina Maestro Ryan Cayabyab, Moy Ortiz with BGC Arts Center Foundation and Noel Ferrer, ang Pinoy Playlist Music Festival.
Nagsimula ito last October 11 at matatapos tomorrow, October 20.
Nagsama-sama sa Pinoy Playlist 2018, Ito ay Atin, Sariling Atin ang mga mahuhusay at bigating Pinoy music genius sa bansa.
Sa first four days ng palabas, laging puno ang mga venue nito.
Kasama naman sa performers sina Jim and Boboy of The Apo, Itchyworms, Neo-colours, Papuri Singers, Nyoy Volante, Noel Cabangon, Baihana, Arman Ferrer, Tim Pavino, Sandwich, 6 CycleMind, Moonstar 88, Shanti Dope at Gloc9.
Napapanood na rin sina Dulce, The Company, The OPM Hitmen, Richard Reynoso, Rannie Raymundo, Chad Borja & Renz Verano, Sam Concepcion, Kiana Valenciano, John Lesaca, AMP Big Band, The Genesis and Cornerstone talents, Bullet Dumas, RCS - the Ryan Cayabyab singers, Robert Sena and Isay Alvarez, Reuben Laurente, Zion, Zia Quizon and Extrapolation, Anna Fegi-Brown, Myke Salomon, Nar Cabico, Nicole Asencio, Toto Sorioso, Never The Strangers, the Bisaya Music Festival contingent, IV Of Spades and a lot more.
Mapapanood din ang mga seasoned artist na sina Mitch Valdes, Nanette Inventor and Jon Santos.
Sa mga hindi pa nakaka-experience, puwede pa kayong humabol until today. Tickets ranging from P375 to P2,250, are available at all TicketWorld outlets and website: www.ticketworld.com.ph.
Tambak na patalastas sa tv shows inirereklamo na!
Ang tambak na commercial sa mga teleserye ang inirereklamo ng fans ngayon.
Nakukunsumi na raw sila sa rami ng patalastas.
Sana raw ay magkaroon lang ng number of minutes ang bawat programa ng mga patalastas sa mga local channel dahil nakakaboryong din ang sobrang dami nito sa bawat gap.
Eh mas nag-aalala ang isa kong kakilala na baka wala na siyang mapanood na serye kasi mas darami pa ang commercial sa pagsisimula ng kampanya sa mid term elections next year.
Ang dami nga namang kandidatong senador. Ayon sa inilabas na tally ng Commission on Election (COMELEC), 152 ang nag-file ng candidacy for senator. Pero siyempre marami dun nuisance candidates na matatanggal din naman. At ang matitira ay ‘yun lang talagang capable na kumandidato na magiging all out sa kampanya na ang number 1 target ay ang TV para mang-engganyo ng mga boboto.
Years ago ay may rule ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) ng 18-minute per hour limit sa advertisement. Pero parang lumalabas na mas mahaba pa ang oras ng mga patalastas kesa sa exposure ng mga bida ng ibang palabas.
So nasusunod pa ba ito or wala nang member ang KBP?
Kaya nga raw ang mapapansin ngayon lalo na sa mga teleserye, wala nang nakalagay sa pinapanood nilang ‘abangan ang susunod na kabanata’ kasi di na nila alam ang susunod sa rami ng patalastas na umeere.
Anyway, alin-aling channel pa ba ang member ng KBP?
- Latest