Roman at Vico magkakampi pa rin para sa Pasig
Sabay nag-file ng certificate of candidacy kahapon si Atty. Roman Romulo and Vico Sotto.
Si Atty. Roman, susubok uling ma-ging representative ng Pasig at si Vico ay mayor ang kakandidatuhang posisyon.
Kasamang nag-file ng CoC ni Atty. Roman ang daddy niyang si Sec. Bert Romulo at ang wife niyang si Shalani Soledad. Si Vico naman ay ang mga magulang niyang sina Vic Sotto and Coney Reyes.
Kabilang sila Atty. Roman and Vico sa ‘young and not-so-young blood’ na sasabak sa mid terms elections next year.
Maging si Camille Villar ay kumandidato na rin for Las Piñas representative.
Siyempre andiyan ang mga batang pulitiko na sina QC VM Joy Belmonte na kakandidato sa pagka-mayor sa QC, Janella Estrada for Mayor of San Juan, Baste Duterte for Davao Vice Mayor, Mayor John Rey Tiangco for congressman, Mikey Belmonte for District 2 QC councilor, Rep. Toby Tiangco for Navotas Ma-yor, Alfred Vargas, Gian Sotto at marami pang iba.
Sana nga ay mas maraming bata, mas maganda para sa ating bayan.
Siyempre mas bago ang approach nila at transpa-rent bilang mahilig sila sa social media.
- Latest