Dalawang aktres kabaliktaran ang ugali sa pinakikita sa TV

Sa isang malaking umpukan ng mga taong may kuneksiyon sa showbiz ay natutukan nila ang magkaibang ugali ng dalawang female personalities na kontra sa mga ginagampanan nilang papel sa pelikula at telebisyon ang ugali.

?Si Actress A ay kilalang-kilala sa pagiging kontrabida, masarap lamukusin ang kanyang bibig dahil sa pagpapahirap sa mga bida, magaling siyang umarte.

?Si Actress B naman ay laging gumaganap na nakakaawa, martyr ang mga roles na ginagampanan nito, parang gusto mong yakapin ang aktres dahil palagi itong pinahihirapan ng kanyang mga kaeksena.

?Pero sa totoong buhay pala ay kabaligtaran ang kanilang ugali. Kung sino pa ang gumaganap na kontrabida ang may kabaitan at ang mukhang nakakaawang aktres ang masarap tampal-tampalin dahil sa kanyang kasupladahan.

?Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Naku, mabait kaya ang nagkokontrabidang girl na ‘yun! Okey siya sa mga kapwa niya stars, mahal din siya ng buong production, dahil magaling siyang makisama.

?“Kung ano ang role na ginagampanan niya, kabaligtaran naman ‘yun sa totoong siya sa likod ng mga camera. She’s nice, mabait siyang anak at kapatid, hindi siya kontrabida para sa mga nakakatrabaho niya,” simulang kuwento ng miron.

?Pero si Actress B na palaging kinakawawa sa kanyang mga palabas ang masarap daw sipain at sampal-sampalin dahil hanggang sa harap lang naman ng mga camera ang pagiging mabait at kawawa ng aktres.

?“Naku, napakamaldita ng babaeng ‘yun! Alam n’yo bang maraming make-up artists na ang nakakaengkuwentro niya? Kulang sa respeto ang babaeng ‘yun, hindi siya marunong makisama, dahil ang feeling niya, e, sikat na sikat siya!

?“Kung makapag-utos ang babaeng ‘yun sa alalay niya, e, wagas na wagas! Maldita siya, pakiramdam niya nga kasi, e, talagang sikat na sikat na siya dahil maraming nagkakagusto sa mga roles na gina­gampanan niya.

?“Pero sa totoong buhay, ma­ra­­ming alalay na niya ang sumuko sa ugali niya, walang driver na nagtatagal sa kanya, pati ang mga kasambahay niya, e, nag-aalisan din agad.

?“Kasi nga, e, siya ang kontrabida in real life, siya ang masarap dagukan, dahil sa pagiging maldita niya! Ang bilis-bilis kasi niyang mag-cry, di ba?

?“Kita n’yo, sa age niya ngayon, e, wala pa rin siyang matatawag na karelasyon talaga. Walang nanliligaw sa kanya, walang nagkakagustong artista sa kanya, kasi nga, kilalang-kilala siya sa pagiging maldita sa totoong buhay.

?“Magpalit na lang sana ng linya ang dalawang babaeng ‘yun! ‘Yung kontrabida na lang sana ang lumabas na nakakaawa, tapos, si mabait ang image ang gumanap na lang na kontrabida, dahil ‘yun siya in real life!” pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Joy at Gian nakakatuwang makitang kasama ang amang sina Cong. Sonny at Sen. Tito

Naging komedya ang unang araw ng pagpa-file ng COC ng mga pulitikong tatakbo sa iba-ibang posisyon sa darating na halalan. Umeksena kasi agad ang mga kababayan nating madalas magsumite ng kanilang kandidatura, pagiging presidente pa nga ang kanilang inaasahang posisyon, pero hindi naman sila kasali sa bilang dahil nuisance candidate ang tawag sa kanila.

?Lumutang na naman ang lalaking taunang nagpapakilalang dating karelasyon ni Kris Aquino, may sumulpot pang isa na nagpahayag naman na ex nito ang kontrobersiyal na si Mocha Uson, kani-kanyang drama ang mga panggulo sa eleksiyon.

?Sa Quezon City ay naglantad na ng baraha ang mga maglalaban-laban sa posisyon ng pagiging ma­yor at vice-mayor. Si Vice-Mayor Joy Belmonte ang tatakbong mayor at ang konsehal namang si Gian Sotto ang kanyang ka-tandem.

?Napakagandang pagmasdan ang dalawa habang katabi ang kanilang mga magulang sa pagpa-file ng COC, hindi siyempre pababayaan ni dating Mayor Sonny Belmonte ang kanyang anak, ganu’n din si Senate President Tito Sotto na gagawin ang lahat ng suporta maipanalo lang ang laban ni Gian.

?Ang kanilang mga katunggali, sina Mr. Chuck Mathay at Konsehal Roderick Paulate, ilang taon na ang nakararaan ay winalis sa Quezon City ang pamilya Mathay. Walang natira sa pamilya, “lotlot” silang lahat na tumakbo, kaya maraming nagsasabing walk in the park ang kandidatura ni Vice-Mayor Joy Belmonte sa darating na halalan.

?Sa Kongreso naman ang laban ni Mayor Herbert Bautista, balitang umurong na sa laban si Winnie Castelo, kaya ngayon pa lang ay sumisigaw na ang mga tagasuporta nina Vice-Mayor Joy at Gian Sotto ng “Alam na!”

Show comments