Maaga na nag-trending kahapon ang pangalan ni Freddie Aguilar dahil sa mga showbiz personality na kakandidato sa May 2019 elections, siya ang kauna-unahan na nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy sa Commission on Elections sa Maynila.
Tatakbo si Ka Freddie sa ilalim ng PDP-Laban, ang political party ni President Rodrigo Duterte at first time niya na sasabak sa mundo ng pulitika.
May balita na senatorial bet din ng PDP-Laban ang former GMA 7 news reporter na si Jiggy Manicad pero hindi pa siya pumupunta sa Comelec para mag-file ng CoC niya.
Sa mga current senator, si Senator Koko Pimentel ang pinakamaaga at unang nag-file ng CoC niya sa Comelec.
Early bird si Senator Koko dahil very hectic ang schedule nito dahil busy na sila ng fiancée niya na si Kathryna Yu sa paghahanda sa kanilang civil wedding na magaganap sa October 18 sa Coconut Palace.
Vice Joy all out ang support sa LGBT
Para pala sa transgender women residents ng Quezon City ang Queen of the City, ang beauty contest na itinataguyod ng pamahalaan ng Quezon City.
Invited ako sa press presentation ng Queen of Quezon City noong Martes kaya nakita ko nang personal ang mga naggagandahan na kandidata na mas beautiful pa kesa sa mga tunay na babae.
Hindi lang magaganda ang mga contestant dahil matatalino rin sila at malawak ang kaalaman tungkol sa current events.
Nagpapasalamat ang 24 official candidates ng Queen of Quezon City dahil sa importansya at respeto na ibinibigay sa kanila ng Quezon City government.
Hindi na sila natatakot na maging biktima ng bullying at discrimination dahil protektado sila ng Anti-Discrimination Ordinances ng Quezon City.
Special guest sa press presentation ng Queen of Quezon City si Quezon City District 1 Councilor Mayen Juico, ang author ng QC Gender Fair Ordinance na nangako ng patuloy na suporta ng lungsod sa LGBTQ community.
Kakampi rin ng LGBTQ community si Vice Mayor Joy Belmonte na nagsalita noon ng “Pinapatunayan ng Konseho ng Lungsod Quezon ang kakayahan nitong manguna at magsilbing halimbawa sa lahat pang mga konseho sa bansa, na kung gugustuhin, ay kayang kilalanin at bigyang katuparan ang pagsisimula ng pinapangarap nating pagkakapantay-pantay. Sa Quezon City, patas ang lahat!
“The LGBT community has been a significant partner in ensuring the success of Quezon City.
“While contributing on various arenas – politics, arts, business, sciences, education, among others – they have long been ignored, their rights unrecognized, and worse they are often discriminated against.
“This is the City’s way to protect its citizens by saying no to discrimination.”
Mga kandidata sa Queen of QC may mga kamukha
Pretty, smart at intelligent ang mga kandidata ng Queen of Quezon City. May mga ka-lookalike sina Jinkee Pacquiao, Almira Muhlach at Elizabeth Oropesa.
Bongga ang mga contestant dahil sobrang taas ng takong ng uniformed sandals na suot nila pero hindi sila nahirapan sa pagrampa sa stage.
Emotional ang isang kandidata dahil bawal sa relihiyon na kinaaaniban niya ang kanyang pagsali sa gay beauty pageant at posibleng ito ang maging dahilan para itiwalag siya.
May contestant na confidently beautiful dahil angat na angat ang kagandahan niya at siya ang bet ng entertainment press para mag-win ng korona ng Queen of Quezon City sa coronation night nito sa UP Theater sa November 10.