Nora lalong na-miss ang pagkanta
Medyo emotional si Nora Aunor sa concert ng Revival King na si Jojo Mendrez na ginanap sa Resorts World nung isang gabi.
Kinantahan ni Jojo si Ate Guy ng Handog na isa sa ni-revive niya.
Pagkatapos ng kanta, sinabihan niya si Jojo na parang na-guilty siya dahil sa nagkaroon sila nang di pagkakaintindihan bago mag-concert.
Sabi ni Ate Guy; “Alam mo, kanina, habang pinapanood kita roon, sabi ko sa mga kasamahan ko, ‘Parang na-guilty yata ako.’
“Alam mo, sa isang tao, pag nagkakaroon ng pagkakamali, hindi mo dapat ikahiya na aminin kung ano ‘yung pagkakamali, kung ano ‘yung naging kasalanan mo sa kapwa mo.
“Kasi, ‘yun talaga ang nangyari. Ang importante, bukal sa puso mo na humihingi ka ng pagpapasensya kung kanino ka nagkamali.
“At ngayong gabi po, kung nagkamali man po ako... kay Jojo... humihingi ako sa ‘yo ng tawad.”
Sabi naman ni Jojo; “Wala na ‘yon, Ate Guy. Ang mahalaga, alam mo, inabangan ng tao kung magkikita tayo ngayong gabi.”
Mahigpit silang nagyakapan.
Pagkatapos ng concert, sandaling nakausap namin si Nora.
Lalong na-miss daw niyang kumanta, at sana makapag-concert na siya sa susunod na taon.
“May awa ang Diyos, sana sana,” saad ni Nora.
Ang maganda pang nangyari sa concert na iyun ni Jojo, nagkabatian doon sina Pilita Corrales at Nora. Isa rin si Tita Pilita sa mga special guests ni Jojo, na masaya ang number nila.
Tinawag ni Tita Pilita si Nora at tumayo ang Superstar para i-acknowledge ang pagtawag ng kanyang balae.
Napabalita noon na hindi magkabati ang dalawa, pero nasaksihan naman ng mga nanood na okay naman sila.
Jolo ayaw pangunahan ang pagkandidato ni Bong
Kinuyog ng mga reporter si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla nang dumating siya sa Naga City kahapon, para sa block screening ng pelikula nilang Tres na showing pa rin hanggang ngayon.
Tungkol sa napabalitang pagtakbo ng ama niyang si dating Sen. Bong Revilla ang tinanong sa kanya ng mga press doon sa Bicol.
Kahit si Jolo ay ayaw mag-commit kung talagang tatakbo ba si Sen. Bong.
Sabi lang ng bida ng Tres, “Mas mabuting hintayin na lang natin kung ano ang sasabihin ng Papa ko.
“Tulungan nyo na lang kami sa pagdarasal na mabigyan siya ng tamang guidance mula sa Diyos.
“Pero marami ang humihimok sa kanya na tumakbo dahil napatunayan naman na walang kasalanan si Papa.
“Nabiktima lang siya talaga ng political persecution. Napulitika lang siya, kaya hintayin na lang natin ang ibabang desisyon ng korte na sana pumanig sa kanya ang desisyon,” sabi Jolo.
Tuwang-tuwa naman ang mga taga-Naga sa pagdating ni Jolo.
Anim ang sinehang pinalabasan para ma-accommodate lang ang lahat na dumating.
Sobrang thankful si Jolo at mga taga-Imus Productions sa mainit na pagtanggap sa kanya sa tulong ng mag-asawang Cong. Nonoy at Marissa Andaya na malapit sa pamilya Revilla.
- Latest