Daniel Padilla ng bangkok, sobrang yaman

Cris, Lolit, Michelle, Salve, Julie Yap, Pat, Leo

Pakiramdam ko ay nasa Bangkok, Thailand pa ang beauty ko nang magising ako kahapon Mama Salve.

Sobra ko yatang na-enjoy ang company nina Julie Yap Daza, Cris Roque, Leo Espinosa, Pat P. Daza at Michelle Teves kaya na-miss ko silang bigla.

Malaking bagay talaga kung sinu-sino ang nakakasama mo sa biyahe kaya nang itanong sa akin ni Julie Yap Daza na “what is the most memorable part of the trip you liked?” ang sinagot ko talaga ay “being with you”.

Alam n’yo ba na bago pa lang ako sa showbiz, fan na ako ng mga column at article niya? Para sa akin, isa siyang role model sa writing dahil kung magsulat siya ay parang andun ka sa mga pangyayari.

At remarkable ang pagiging prim and proper niya. I was a die-hard fan from the start.

With Cris Roque naman, I cannot understand a lady so kind and humble, kahit very successful at very rich Asian.

Doon ko rin na-realized na hindi mo matatakasan ang intriga kahit saan, Mama Salve.

Numero unong topic noong nasa Bangkok, Thailand tayo ang isyu tungkol kina Kris Aquino at Nico Falcis.

Pero siyempre wah ako sali sa usapan dahil ‘di ko naman alam ang pangyayari.

Actually ang gusto ko ma-meet iyon pogi na anak ng milyonaryo na guwapo daw. Siya ang type ko makita, hah hah.

Hay, ang sarap talagang kasama sa biyahe nila Leo, Pat P., Julie at Cris Roque.

Naloka ako sa alaga ng grupo, sobra spoiled nila sa kasama kaya nanghinayang ako na hindi nakasama si Dolor Guevarra dahil akala ko hindi niya type ang Bangkok.

Ayoko na talaga dahil sobra-sobra ang pagkain, halos oras-oras sila nagyayayang kumain, malling at talagang spoiler si Cris.

BFF ko na talaga si Cris dahil sobrang bait niya na tao at kahit ang asawa niyang si Gunn at mga anak sobra sa bait.

Bongga bonding, unforgettable memories, love you Julie and Pat P., sama-sama uli tayo next time ha.

Ana at Jasmine swak na mag-ina

Nanay nina Jasmine Curtis Smith at Shaira Diaz ang role ni Ana Roces sa Pamilya Roces, ang coming very soon primetime show ng GMA 7.

Swak na swak si Ana sa Pamilya Roces dahil sa lahat ng cast, siya ang tunay na Roces kese­hodang screen name lang niya ang Ana Roces.

Hindi nagkamali ang GMA 7 sa pagpili kay Ana para gumanap na ina ni Jasmine dahil magkamukhang-magkamukha sila. Nagkagulatan nga ang dalawa sa unang beses na pagkikita nila dahil parang pinagbiyak na bunga ang kanilang mga itsura.

Ang kuwento ni Ana, mahigpit ang yakapan nila ni Jasmine nang magkita sila sa set ng Pamilya Roces.

Reunited sa Pamilya Roces sina Roi at Carla Abellana. Si Carla ang daughter in-law ni Roi sa My Husband’s Lover pero sa Pamilya Roces, mag-ama na sila.

Hindi na makakalimutan ni Carla ang My Husband’s Lover dahil dito nagsimula ang love affair nila ni Tom Rodriguez.

Going strong ang relasyon ng dalawa dahil apat na taon na rin ang love affair nila.

Kuya Germs tiyak na maligaya

Kung may Dolphy Theater ang ABS-CBN, may German Moreno Studio ang GMA Network Inc.

Kahapon ang 85th birthday ng sumakabilang-buhay na Master Showman. Bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa Kapuso Network at paggunita sa alaala niya, napagdesisyunan ng management na ipangalan kay Kuya Germs ang Studio 6 ng GMA 7.

Ang Studio 6 ang home studio ng Wowowin ni Willie Revillame at dating studio ng Startalk at Showbiz Central.

Malapit sa puso ko ang Studio 6 dahil ito ang studio ng Startalk sa matagal na panahon.

Kung nasaan man ngayon si Kuya Germs, sure ako na maligaya siya dahil hindi nakalimutan ng GMA 7 ang mga kontribusyon niya, hindi lamang para sa network kundi para sa Philippine entertainment industry.

Show comments