May ilang mga bagay na hindi napagkakasunduan sina Sam Concepcion at Kiana Valenciano kaya hindi tumagal ang relasyon bilang magkasintahan. Kamakailan ay nakumpirmang nagkahiwalay na ang dalawa. “We’ve been together for quite a while. I thought we were really good. Even when it comes down to just us individually. We were really well together and we had a lot of really good times. I think maybe just right now, it started to become difficult and marami kasing factors that came into play. Just individually, I know I didn’t meet a lot of expectations,” pagtatapat ni Sam.
Nilinaw ng binata na walang naging third party sa pagitan nila ni Kiana.
Para kay Sam ay mayroon din siyang kailangang baguhin sa sarili niya upang mas maging maayos ang pakikipagrelasyon sa susunod na pagkakataon. “We were always together. Just differences, at least for me I can say I have a lot to work on. I have a lot of things that I need to fix for me to be completely happy and for that happiness to be shared,” paliwanag niya.
Kahit nagkahiwalay na ay may komunikasyon pa rin naman daw sina Sam at Kiana. Aminado ang singer-actor na mahirap ang pinagdadadaan nila ngayon ng dating kasintahan. “I didn’t want it to be a formal goodbye. We will still be around. I don’t want to be strangers. It wasn’t easy for either of us. It’s not easy now. A day at a time is what we both said,” makahulugang pagtatapos ni Sam.
Rommel hindi nawawalan ng panahon kay Daniel
Kahit abala sa pagiging pulitiko ay napagsasabay naman ni Rommel Padilla ang pagiging isang artista. Tumatayong Board Member ang aktor sa Nueva Ecija at kabi-kabila rin ang ginagawang teleserye sa kasalukuyan. “Siguro it’s making use of the time wisely lang. Ngayon ginagawa namin ‘yung Take Life, teleserye with Gerald Anderson. ‘Yung sa Ang Probinsyano hindi pa naman tapos ‘yung character ko and currently provincial Board Member ako sa Nueva Ecija. So tuluy-tuloy lang,” nakangiting pahayag ni Rommel.
Samantala, sinisiguro raw ng actor-politician na kahit abala ay sinisikap pa rin niyang magkaroon ng panahon upang maka-bonding ang anak nila ni Karla Estrada na si Daniel Padilla. “Yes, usually sa bahay, gitara, bisikleta. Kahit paano merong time na naisisingit naman. Hindi ako nagturo kay DJ (palayaw ni Daniel) na maggitara, sariling sikap ‘yon, pareho kaming bassist. Si DJ kahit gano’ng edad niya, ang music niya ‘yung sa amin eh. May ‘80’s, ‘90’s, nagbi-Beatles pa, Frank Sinatra. ‘Yung mga standard songs which is also my music,” pagbabahagi ni Rommel.