Acting coach ng Hollywood Stars hahasain ang mga kapamilya

Ivana

Nasa bansa sa ikatlong pagkakataon ang internationally-acclaimed Hollywood acting coach at best-selling book author ng The Power of the Actor which was translated into 18 languages na si Ivana Chubbuck para muling mag-conduct ng masterclass in acting na tatampukan ng 16 piling-piling Star Magic actor at ABS-CBN talents.

Unang dumating si Ivana sa Pilipinas in 2014 na sinundan in 2016 at ngayong 2018. Bukod sa Hollywood at sa Pilipinas, si Ivana ay naglilibot din sa iba’t ibang bahagi ng mundo para mag-conduct ng acting worshop sa iba’t ibang actor of different nationalities.

Bukod sa mga Filipino actors, sumailalim din kay Ivana ang maraming Hollywood actor na naging nominado at nanalo ng Academy awards sa Amerika tulad nina Gal Gadot, Halle Berry, Jared leto, Sylvester Stallone, Brad Pitt, Jim Carrey, Charlize Theron, Jessica Biel, Eva Mendez at David Ayer na siya ring director ng blockbuster hit movie na Suicide Squad.

Ang director at Star Magic Artist Training Head na si Rahyan Carlos ay siyang kaisa-isang accredited teacher ng Chubbuck Technique sa Pilipinas at marami-rami na ring talents ng actor ang sumailalim sa kanyang workshop including talents from the other TV network.

Ang ikatlong masterclass ni Ivana ay may 16 participants at karamihan sa kanila ay  sa Kapa­milya Network.

Ang scene studies na ibibigay ni Ivana ay kanyang ibinase sa acting profiles ng participants na gaganapin ngayong October 6 and 7 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Jamaican-Canadian artist nag-launch ng debut album sa ‘Pinas

Pinili ng Jamaican-Canadian recording artist na si J. Young (J stands to Josh) na dito sa Pilipinas i-launch ang kanyang debut album na pinamagatang Three Sixty na naglalaman ng 12 tracks and produced by international Canadian record producer and composer/arranger na si Adam H. Hurstfield and released locally ng Viva Records.

Marami na ring mga kilalang recording artists sa buong mundo ang nakatrabaho ni Adam H at kasama rito sina Ne-Yo, Elise Estrada (ang Filipina pop singer na misis niya), The Manhattans, Ashley Tisdale, Sarah Burgess maging ang mga Filipino talents na sina Sarah Geronimo at James Reid.

Mix ng pop, R&B, funk and reggae ang album ni J. Young na available na ngayon sa Spotify, iTunes, Apple Music at sa lahat ng digital music stores.

Ang official music video ng They Ain’t You kung saan featured sina Ro­xanne Barcelo at Ashley Rivera ay pinalabas sa MYX nung nakaraang September 28 sa loob ng Pinoy Myx.

Show comments