Coco gusto pang gumawa ng maraming FPJ
Masayang-masaya si Coco Martin dahil sa patuloy na pagtitiwala ng FPJ Productions sa ABS-CBN. Mapapanood pa rin sa Kapamilya network ang mga pelikulang naiwan ni Fernando Poe, Jr.
Bukod sa Ang Panday at Ang Probinsyano ay umaasa si Coco na makagawa pa ng mas maraming proyekto na hango mula sa mga pelikula ng Hari ng Aksyon. “Sana makagawa ulit pero wala pa kaming napag-uusapan about diyan. Kahit hindi ako ‘yung artista, sana marami pang pelikula ni FPJ ang maging teleserye dahil talagang malapit sa puso ng Pilipino ang mga pelikula niya,” nakangiting pahayag ni Coco.
Samantala, hangad ng aktor at isa rin sa mga direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano na makapagbigay ng gabay lalo na sa mga kabataang nanonood ng nasabing serye. “Kung ano lang ang sa tingin natin na tama. Ang purpose naman kasi ng Probinsyano is to guide, lalo na ‘yung mga kabataan na mabigyan sila ng tamang values. As in inaaral namin ang bawat script at dialogue na nakaka-affect sa mga manonood. Lalo na sa mga kabataan ngayon na nakatutok sa social media. Ang mga magulang nila nagtatrabaho tapos ang mga bata nanonood. Kapag wala man ang magulang nila, siguro tayo na, ibalik natin ang magagandang values sa kabataan,” paliwanag ni Coco.
Rhian inasahan ang bintang sa break up nina Jolo at Jodi
Parehong walang karelasyon ngayon sina Jolo Revilla at Rhian Ramos kaya marami ang nagsasabing posibleng magkaroon ng espesyal na ugnayan ang dalawa.
Ayon kay Jolo ay madaling mahalin ang dalaga na kanya ring katambal sa pelikulang Tres na ipalalabas na sa mga sinehan simula bukas. “Ako siyempre kakahiwalay ko lang, kakahiwalay lang niya. Hindi naman imposible. We’re good friends pero hindi n’yo naman masisisi, maganda siya, mabait. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Pero siyempre sa bawat pinagdadaanan namin sa buhay, magandang dahan-dahanin natin. Huwag nating mamadaliin ‘yung kung ano man,” makahulugang pahayag ni Jolo.
Masayang-masaya naman umano si Rhian sa magandang turingan nila ng aktor ngayon. “I’m grateful dahil totoo ‘yung friendship namin. Pero anything beyond that, I don’t know if he is ready for anything beyond that but I’m definitely not. So hindi rin naging consideration na turn into anything more than a friendship,” pagbabahagi ni Rhian. Nasangkot din ang pangalan ng dalaga sa hiwalayan nina Jolo at Jodi Sta. Maria. “Hindi naman ako nagulat. No’ng nabalitaan ko nga na single na si Jolo, sabi ko, ‘Ay! Naku! Eto na ‘yon. Marami nang magsasabi na may kinalaman ako. Pero ayun, parang part lang siya di ba,” paglilinaw ng aktres.
- Latest