MANILA, Philippines — Lumaki si Len na inaabuso ng kanyang mga kamag-anak. Hindi niya kilala ang nanay niya, na biktima rin ng pang-aabuso. Wala siyang iti-nuturing na pamilya pero sa pamamagitan ng Bantay Bata 163, nabigyan siya ng tahanan at nakadama ng kalinga sa Children’s Village.
Ngayon, patapos na ang pag-aaral ni Len para maging guro sa pamamagitan ng scholarship mula sa Bantay Bata 163. Nais niyang mabuhay nang mapayapa at masaya at makatulong sa mga batang tulad niya.
“Sa Children’s Village ko lang naramdaman na mayroon palang nag-aalaga at nagmamahal sa akin. Doon ko lang naramdaman na maaari palang magtagumpay sa mga kahirapan,” sabi ni Len.
Nagsilbi nang tahanan sa mahigit isang libong bata ang Children’s Village na binuksan ng Bantay Bata 163 noong 2003 para matulungang gumaling at makabangon mula sa dinanas na pang-aabuso ang mga batang naisalba nila. Sa darating na ABS-CBN Ball sa Setyembre 29, ilulunsad ang kampanyang pagtulong sa muling pagbubukas ng Children’s Village upang mas marami pang tulad ni Len ang makahahanap ng pamilya at pag-asa rito.
Sa mas pinagandang pasilidad at programa, higit na may kakayahan ang Children’s Village ngayon na magbigay ng lakas at kaalaman sa mga biktima ng child abuse upang sila ay maging matatag na mi-yembro ng ating komunidad.