Gretchen isang linggo nang may sakit!
Pinasaya ni Dominique Barretto-Cojuangco ang mommy niyang si Gretchen na halos isang linggo na raw may sakit. At ‘di niya pinalalapit ang anak para hindi mahawa.
Sa post ni Gretchen sa IG, pinakita niya ang regalong bag at make up ng anak. “I’ve been nursing a bad cold & cough for a week now, I’ve been telling my little one @dominique to not come close to me so she won’t get sick.. I woke up to my baby Dominique on top of me , kissing my face loads of times & she gave me these surprises, a purse & Tom Ford make up oh what a baby,” say ni Gretchen na baby pa rin ang turing sa anak na dalaga na walang nababalitang boyfriend.
Hindi pa masyadong natatagalan nang magkasakit si Dominique ng dengue. At siguro naman hindi dengue ang sakit ni Gretchen.
Maraming library isinasara na
Sana hindi mawala sa mga teleserye natin ang eksena na nagbabasa or bumibili ng libro ang mga bida or nagpupunta sa church para magsimba o mag-confess.
Sa mga Korean drama kasi, madalas may ganyang eksena.
Dito kasi sa atin kahit parang in real life, dini-discourage na rin ang mga batang magbasa ng libro at iasa na lang sa mga gadget ang pagbabasa.
Maraming bookstore na ang nagsasara at iilan na ang public library.
Sa Korea kami nakakita ng isang pagkalaki-laking library na nasa loob ng isang mall. At karamihan, local books ang naka-display.
Ang pagsisimba rin dito sa atin kahit nasa loob ng simbahan, gumagamit ng cellphone. Isang oras lang naman ang mass. At ito, ang mga nanay or tatay pa ang nangunguna sa pag-check ng kanilang phone.
Meron naman kaming nakasabay magsimba na after ng offering naglalagay sila ng alcohol, as if may germs ang paghawak ng pera or sa nilagyan siguro nilang donation box. Buong pamilya ‘to ha. Ang nanay ang may hawak ng alcohol tapos iaabot niya sa mga anak at sa husband niya. Parang diring-diri sa pera. Ganun sila everytime na nakakasabay naming magsimba after na magbigay ng offering. I’m sure may reason naman ‘yun, pero sana after the mass na lang sila mag-alcohol. Daig pa nila ang mga totoong mayaman. May kilala naman akong sobrang yaman, pero hindi ganun kalinis sa katawan.
TV personalities dolyares daw ang tinatanggap
Grabe, in dollars diumano ang natatanggap ng ilang TV personalities para atakihin ang ilang government official.
Isang female broadcaster ang isa na name names sa narinig kong kuwentuhan ng ilang government officials na nakatabi namin sa isang dinner.
Kumpleto ang details ni Kuya (nagkukuwentong government official), may agency pa siyang binanggit na based sa Amerika.
Mahirap mag-speculate lalo na nga’t wala namang basis at sila lang ang naririnig. Pero kahit na, nakakawindang pa rin ang marinig ng ganung kuwento.
- Latest