Dati pinipintas-pintasan ang acting Zanjoe, Paulo At Ejay mas bongga ang career

Zanjoe at Paulo

Kung sino pa dati ang pinipintasan ang acting sila pa ang bongga ang career ngayon.

In all fairness, ang ganda ng takbo ng career nina Zanjoe Marrudo, Paulo Avelino and Ejay Falcon.

Samantalang dati, parehong nilalait-lait sila. Kesyo wala silang ibubuga at hanggang porma lang.

Pero ngayon pare-pareho ang bongga ng career nila. Si Zanjoe recognized na ang acting at ngayon ay kakaere lang ng programa nila ni Angelica Panganiban na Play House sa ABS-CBN. Si Paulo, lumalaban sa takilya ang Goyo : Ang Batang Heneral na showing pa rin sa ibang mga sinehan. At si Ejay, nasa Korea, nagso-shooting for a Korean drama.

Wala talaga sa galing, nasa destiny.

Show comments