^

PSN Showbiz

Rep ng Sultan Kudarat kinoronahang Mutya ng Pilipinas!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Rep ng Sultan Kudarat  kinoronahang Mutya ng Pilipinas!
Sharifa

Napakaswerte naman ng kinatawan ng Sul­tan Kudarat sa ginanap na Mutya ng Pilipinas na si Sharifa Akeel, siya ang nakakuha ng titulo mula sa 50 kandidato na sumali sa paligsahan ng kagandahan na sinalihan ng maraming Pilipina na nagmula pa sa maraming bansa sa mundo. Nagmistula itong isang international pageant sa halip na isang national beauty contest lamang. Taga-Taguig naman ang nanalong Mutya ng Pilipinas-Tourism na si Aya Fernandez. 

Ang iba pang beauties na nanalong Mutya ng Pilipinas-Global Beauty Queen (Pauline Ame­linckx ng Bohol), Queen of the Year International (Kesha Kamachandron -Iloilo), Mutya ng Pilipinas-Overseas Filipino Communities (Jade Roberts). Runners-up sina Kristine Micah Ma­licsi ng Navotas at Mary Justine Teng ng Muntinlupa.

Edward hiwalay muna kay Maymay

Buti naman at may movie si Edward Barber na hindi kasama si Maymay Entrata. Para naman di siya magmukhang kaawa-awa kapag may ginagawa ang ka-loveteam niya na hindi siya kasama. Tama ‘yung paminsan-minsan ay nagpapama­las siya ng kanyang independence sa kanyang ka­partner. Sana ay maganda ang role niya sa First Love na dinidirek ni Paul Soriano para kina Aga Muhlach at Bea Alonzo para masundan pa ang project niya minus Maymay. 

Nanalong best actress sa Tofarm aksidente lang ang pag-arte

Marami ang curious kung sino ba itong newbie actress na taga-Baguio City na nanalo agad ng Best Actress sa kanyang kauna-unahang pagsabak sa pelikula, ang Tanabata’s Wife na humakot ng maraming awards sa ginaganap na ToFarm Film Festival na hanggang bu­kas na lamang mapapanood sa ilang sinehan. 

Marami ang interesado na mas maki­lala pa si Mai Fanglayan na sinasabing nagmula sa lahi ng mga Igorot pero, mas mukhang taga-ibang bansa sa Asya. May pinag-aralan din siya at nakatapos ng Mass Com sa St. Louis University ng Baguio. Wala siyang balak na mag-artista pero nang samahan niya ang isang kaibigan para mag-audition sa Tanabata’s Wife ay nahikayat na rin siyang mag-audition. Pinaka-huli siya sa mga auditionee pero, siya ang napili para gumanap ng role ng isang babaeng taga-Cordillera na nakapangasawa ng isang Japanese farmer. 

Hindi siya nahirapan sa pelikula dahil tatlu-tatlong direktor ang umalalay sa buong pelikula at supportive din ang kapareha niyang si Miyuki Kamimura na isang professional Japanese actor at fluent mag-Ingles. Sa kanyang naging tagumpay, inaasahan na mai-inspire na gumawa pang muli ng pelikula ang Igo­rot actress.

Liza tahimik lang sa training 

Hindi naman itinanggi ni Liza Soberano na may unawaan na sila ni Enrique Gil. Hindi pa nga lang daw ito opisyal dahil kailangang mai­pagpaalam pa ito ng aktor sa kanyang ama’t lolo. 

Kahit walang masyadong ingay, patuloy si Liza sa kanyang training sa martial arts, boxing at lifting para sa Darna. Mga propesyonal na trainers ang gumagabay sa kanya. Bukod sa kailangang maging malaman siya sa pakikipaglaban na walang kinikilalang oras at panahon, makabago ang Darna na sasabakan niya na magaganap sa modernong panahon ng milenya at gagamit ng makabagong teknolohiya at mga gadget.

Magkahalong excitement at takot ang nadarama ng magandang artista dahil kailangang masabayan niya kundi man mapantayan ang mga ginawa ng mga nauna sa kanyang maging Darna.

Ken at Arra nili-link

Araw-araw inaabangan ng mga manonood ang top-rating Kapuso drama series na My Special Tatay dahil sa heartwarming na kwentong hatid nito. Mas dumoble naman ang pag­­mamahal at pagkaaliw ng mga manono­od dahil ipinagtapat na ni Boyet (Ken Chan) ang kanyang feelings para kay Carol (Arra San Agustin).

Hindi mapigilang kiligin ng Kapuso viewers dahil wish nilang mangyari din ito sa tunay na buhay. Parehong single ang dalawa at inililink na sa isa’t isa. 

Bf ni Alex sanay na sa kanyang kadaldalan

Proud na proud si Alex Gonzaga at muk­hang in love na in love sa boyfriend niyang si Mikee Morada. Katulad nang una silang mapanood sa Magandang Buhay, nakita ng mga mano­nood kung gaano ka-in love ang dalawa pero, mas kilig na kilig si Alex sa Gandang Gabi Vice. 

Bukod sa good looking, yayamanin din itong si boyfriend na graduate ng La Salle at kabilang sa angkan ng mga ne­gos­yante. Nagmamay-ari ng mga bangko ang pamilya nito sa Batangas. Sa dalawang taon nilang relasyon, mukhang naka­gamayan na ni Mikee ang kadaldalan at kaokra­yan ng girlfriend niya.

MUTYA NG PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with