Aila bongga ang career sa Japan

Isa ang only daughter ni tita Aster Amoyo sa successful Pinoys sa Japan, si Aila Marie Amoyo.

Working siya sa isang international company based in Tokyo, Japan.

At siya ang nag-iisang Pinoy sa nasabing company.

Tulad sa regional manager ang position ni Aila na naka-dinner namin sa recent trip namin sa Tokyo with good friends Jun Lalin and Dondon Sermino.

Nagta-travel siya all over the world para i-represent ang kanilang company.

Sa Tokyo na siya nag-college. Dahil masipag at eager to pursue her dreams, nakakuha siya ng scholarship.

Kaya naman pagka-graduate ni Aila, na-hire agad siya sa isa sa multi-billion companies.

Ngayon ay pa-travel-travel siya at nagma-master at the same time.

Dinala niya kami sa isang old Okinawan restaurant sa Ginza, Tokyo, na hindi masyadong puntahan ng mga turista na pinagdadalhan niya rin ng mga ini-entertain niyang guests and clients.

Actually, ang layo na nang narating ni Aila na nung bata ay sinasama-sama pa ni tita Aster sa mga presscon. Ngayon, padalaw-dalaw na lang si tita Aster sa Tokyo.

May the rest of your life be full of success and happiness Aila.

Oh by the way, special thanks of course to Jun L. sa masayang trip, sa sister ni Dondon na si Ate Riza Sermino and our newfound friend Ms. Nora na nagpa-enjoy sa ­aming short but sweet trip sa Tokyo.           

Show comments