^

PSN Showbiz

Asst. Director ng GMA, patay sa stroke

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Tagalog films bibida sa Fukuoka

SEEN: Negatibo ang karamihan sa mga reaksyon tungkol sa pagkukumpara ni Pokwang sa buwitre at Meralco dahil pinutulan ng kuryente ang bahay nila. Hindi kinagat ng mga kritiko ni Pokwang ang brilliant excuse nito na busy siya kaya hindi kaagad niya nabayaran ang electric bill.

SCENE: Kung busy si Pokwang, busy rin ang kanyang live in partner na si Lee O’Brian na tampok sa stageplay na M Butterfly. Sa sobrang busy ni Lee, wala itong oras para magpapayat kaya gumagamit siya ng men’s girdle para hindi mapansin ang kanyang tiyan na malaki.

SEEN: Pinatay na ang karakter ni Dawn Zulueta sa Ang Probinsyano noong Huwebes. Ikinalungkot ng supporters ni Dawn ang pamamaalam niya sa teleserye ni Coco Martin. Nagpapasalamat si Dawn sa lahat ng mga nagsasabi na hindi pa dapat tinapos ang participation niya sa Ang Probinsyano.

SEEN: Out of the country si FDCP Chair Liza Diño dahil lumipad siya sa Japan para dumalo sa Fukuoka International Film Festival na nagsimula kahapon at matatapos sa September 23, 2018.

SCENE: Ang Nervous Translation, The Baggage, Smaller and Smaller Circles, Women of the Weeping River at Nunal sa Tubig ang mga pelikulang Pilipino na ipalalabas sa Fukuoka International Film Festival 2018.

SEEN: Stroke ang ikinamatay kahapon ni William Thayer, ang assistant director ng mga programa ng GMA 7, ang Magpakailanman, Stories for the Soul, Hindi Ko Kayang Iwan Ka at marami pang iba.

SCENE: Magiging memorable kay Christian Bautista ang paparating na Pasko dahil ito ang unang Pasko niya bilang may asawa. Pakakasalan ni Christian sa last quarter ng 2018 ang kanyang fiancé na si Kat Ramnani.

SEEN: Ninang ni Maricris Garcia sa kasal si Regine Velasquez kaya pumayag agad ito na mag-guest sa concert niya sa Teatrino Greenhills sa September 28. Kasabay ng 11th anniversary concert ni Maricris ang 40th anniversary concert ni Sharon Cuneta sa Smart Araneta Coliseum.

WILLIAM THAYER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with