^

PSN Showbiz

Modus ng fans sa wowowin nabuko ni Willie!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Modus ng fans sa wowowin  nabuko ni Willie!
Willie

Bilang na ang araw ng mga tao na pinagkakakitaan ang Wowowin sa pamamagitan ng pagre-recruit ng mga gustong manood ng game show ni Willie Revillame sa studio ng GMA 7.

Sila ang mga raketero na naghahanap ng mga tao na hindi magkakilala, bubuo ng grupo na pipila sa labas ng Wowowin studio at kapag nakapasok, kabilang sa mga nabibigyan ni Willie ng pamasahe. Commissioner ang mga raketero dahil may share sila sa financial help na ibinibigay ni Willie sa studio audience.

Kumikita ng datung ng walang kahirap-hirap ang mga raketero na hindi dumaraan sa wastong proseso tulad ng pagpapadala ng email sa programa para makapasok sila at makapanood ng taping ng Wowowin sa studio.

Si Willie ang nakabuking ng modus ng mga mapagsamantala kaya naglitanya siya sa episode ng Wowowin noong Martes.

“Ginagawa n’yong raket itong show eh. Sino ang nagpagawa ng t-shirts n’yo?

“Ginagawa ninyong dayaan itong show na’to! Ginagawa ninyong palabigasan. After niyan, panibago iibahin ang pangalan ng Susan na ‘yon. Magpapa-book, magsasama ng tao. Pag nanalo, hihingan ng pera, kakalahatiin. Alam ko na lahat ‘yan, tigilan na ‘yan. Raket ‘yan. Alam mo kawawa yung ibang pumipila, nagpapa-book  tapos gagastos. Makukuhanan lang kayo ng pera.

“Ang daming raket dito. Saka yung nagpa-book sa inyo, dapat nandito ‘yan. Hindi po puwedeng wala dito ‘yung nagpapa-book,” ang emote ni Willie na ipinahahanap si Susan, ang babae na nagdala sa Wowowin ng studio audience na hindi magkakakilala.

“Aayusin namin ito. Kaya ko ito ginagawa kasi kawawa naman itong Wowowin. Kumbaga, naloloko na ho kami. Hindi puwedeng ganyan, araw-araw tayong lolokohin. Kawawa naman yung show.

“Kaya ho namin kinaklaro ito, maraming nangyayari na hindi tama, sa labas pa lang. Kawawa naman ‘yung Wowowin.Kawawa naman kami dito sa GMA.

“Tapat kaming maglingkod, tapat kaming magbigay ng kasiyahan sa inyo tapos ganyan pa ang gagawin n’yo sa programa?

“Huwag kayong tatanggap na kahit na sino na hindi n’yo kasama.Kapag nalaman namin, palalabasin namin kayo kasi niloloko n’yo ang programa.

“Itong programang ito sa totoo lang, hindi kami kumikita.Bakit? Ibinibigay namin sa inyo lahat ng papremyo. Ibinibigay namin na pamasahe sa inyo kaya maawa naman kayo,” ang dismayadung-dismayadong apela ni Willie sa manonood ng Wowowin.

Nagbabakasyon si Willie sa Macau, kasama ang ilang staff ng Wowowin.

Bukod sa pag-iimbestiga sa mga tao na gumagamit sa Wowowin at nagsasamantala sa kapwa na ang tanging pangarap eh makita si Willie nang personal at mabigyan ng jacket, pinag-aaralan na ni Willie at ng staff niya ang bagong sistema sa pagtanggap ng audience sa studio ng kanyang top rating game show sa Kapuso Network.

Nagsalita na rin si Willie sa Tuesday edition ng Wowowin na hindi siya kakandidato o papasok sa magulong mundo ng pulitika dahil hindi niya maaatim na iwanan ang kanyang game show na marami ang natutulungan, lalo na ang ating mga kapus-palad na kababayan.

At bilang  nagsalita na si Willie nang tapos, hindi na siya dapat abalahin ng ibang mga pulitiko na nangungulit na pa­sukin niya ang pulitika.

WILLIE REVILLAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with