Young actress sa primetime series, kinababaliwan ng kilalang pulitiko

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na ang isang fast-rising star na female lead ngayon sa isang tumatakbong prime TV series ay siya umanong pinakabagong ‘love interest’ ng isang prominent politician na kilala sa pagiging super yaman at pagiging ladies’ man.

Ang young actress na isa ngayon sa sinusugalan ng isang major TV network ay pinaniniwalaang ‘the next important star’ dahil sa mga major projects na ipinagkakatiwala sa kanya na kung saan established lead actors ang kanyang nakakatrabaho hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

Kung nanaisin ng young actress na tumigil sa kanyang trabaho ay kaya nitong mamuhay nang marangya sa tulong ng kanyang rumored politician boyfriend pero matagal na rin ang kanyang pangarap na magtagumpay sa kanyang showbiz career na unti-unti na ring nagpi-pay-off at sayang naman kung ito’y kanyang tatalikuran kung kailan nagti-take off na.

Bryan wini-wish na magtuluy-tuloy na ang career

Magkahiwalay na humarap sa entertainment media ang magkapatid na Jolo at Bryan Revilla, dalawa sa mga pangunahing bida ng action trilogy movie na Tres na magkatulong na pinamahalaan nina Richard Somes at Dondon Santos under Imus Productions.  Ang isa pang bida sa nasabing pelikula ay si Luigi Revilla.  Sina Bryan, Jolo at Luigi ay siyang mga bida sa tatlong magkakaibang episode ng Tres, ang Virgo, Amats, at 72 Hours. 

Sina Bryan, Jolo at Luigi ay tatlo sa mga anak ng actor at dating senador na si Bong Revilla na siyang nakaisip ng konsepto ng pelikula.

Matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng pelikula ang Imus Productions  kaya naisip ni Bong na panahon na rin na muli itong maging aktibo   para na rin makatulong sa mga movie worker. 

Maganda ang ipinakitang full trailer ng Tres at may karapatan sina Bryan, Jolo at Luigi na magmana sa pagiging action stars sa kanilang lolo na si Ramon Revilla, Sr. at sa kanilang ama na si Bong.

Kahit half-brother lamang nina Bryan at Jolo si Luigi at magkaiba ang kanilang mga ina, buong-buo ang turingan nila bilang magkakapatid at magkaka-close silang lahat including their other siblings na sina Inah, Gianna, Loudette at Ram. Close rin si Luigi sa kanyang Tita Lani Mercado.

Pare-parehong `freedom’ ang birthday wish ng magkakapatid na Bryan, Jolo at Luigi para sa kanilang ama who will be celebrating his 52nd birthday on September 25.

Being the eldest among the siblings, Bryan is trying to fill in the role of their dad not only sa kanilang ina, ang singer-actress at mayor ng Bacoor, Cavite na si Lani Mercado at maging sa kanyang younger siblings.

Sa Virgo episode na pinagbibidahan ni Bryan ay tampok din sina Carla Humphries, Paolo Paraiso, Joey Marquez, Kiko Matos at iba pa.

Samantala, although maraming ibang bagay na pinagkakaabalahan si Bryan, umaasa rin siya na sana’y magtuluy-tuloy na rin ang kanyang showbiz career ganundin ng mga kapatid niyang sina Jolo at Luigi.

Ang Tres ay nakatakdang ipalabas sa darating na October 3, 2018 and will be released by Star Cinema.

Show comments