Lolit Solis may kinababaliwang bagets actor
MANILA, Philippines — Baliw na baliw na naman si Nay Lolit Solis sa panonood ng K-drama. Nagpupuyat na uli siya at nag-aaya na namang bumiyahe sa Korea.
Medyo matagal-tagal din siyang namahinga sa panonood ng K drama nang magsawa siya sa idolong si Jo In-sung.
Pero ito, balik na naman siya sa dating gawi. Pero iba na ang iniidolo at kinahuhumalingan niya, ang bagets Korean actor na si Nam Joo-hyuk. Sumikat si Nam sa Weightlifting Fairy at The Bride of Habaek. At dalawang beses na siyang bumisita ng Manila.
Sayang nga lang at sa last visit niya, hindi pa ganun kaadik si Nay Lolit sa kanya. Dahil kung hindi, malamang nakipagsiksikan din siya.
I doubt nga lang kung babalik pa ng bansa si Nam Joo matapos ang experience niya sa pagbisita para sa ini-endorse niyang clothing brand. Nahipuan at literal na nilamutak siya ng obsessed fans. Walang nagawa ang mga security na nakapaikot kay Nam Joo.
Anyway, going back to Nay Lolit, sinabi niya sa isang post na mas matindi ang pagkagusto niya ngayon sa K drama. “Naku hooked na naman ako sa Koreanovela. At mas grabe dahil ngayon kahit hindi na iyon paborito kong artista, basta watch na lang ako,” sabi niya sa kanyang IG (akosilolitsolis) nung isang araw.
“Hindi ko maintindihan kung paano nagagawa iyon ganun istorya. Pag nanood ka, para bang ang babait ng mga Koreano, iyong nasa dialogue talaga hindi dapat mag-cheat sa asawa dahil may karma.
“Iyon dapat igalang mong mabuti ang matanda, kundi mo pakakasalan ang babae dapat hindi mo ‘gagalawin.’ Naku ha, parang hindi ako makapaniwala na sa ganitong panahon, mangyayari iyon mga napanood ko. Or is it one way of education for their youth, or iyon ang paraan ng subtle na pagtuturo ng magandang values?
“Bongga, dahil gobyerno ang mostly nagbibigay ng puhunan sa movies at TV program nila. Ito ba ang paraan para turuan ng magandang values mga kabataan nila? Ang galing. Imagine mo, you get to teach those values nang hindi pilit.
“Takang-taka na nga ako dahil ganun, sa panahon ng social media, at advance thinking ng kabataan, pag nanood ka ng istorya nila (Koreanovela) feeling mo chaste na chaste ang babae, feeling mo ang higpit ng pigil ng lalaki sa kanyang sexual urges at talagang ganun kalaki ang paggalang mo sa mga matanda. Hanga ako sa idea na ito dahil lalo na ngayon na sobra ang hilig ng lahat sa Koreanovela pati ikaw matututo ng ganung values,” ang mahabang post ng beteranang talent manager, former TV host and PSN columnist.
Ibang happiness nga naman ang dala ng K-drama sa mga adik nito.
At sana nga ‘yung values na napapanood sa mga Korean dramas ay mapanood din natin sa mga local series natin at tama na ang mga sakitan at awayan sa mga palabas natin.
Penetrated ng Korean drama ang Netflix habang ang mga palabas natin, napag-iiwanan sa mga video on-demand.
Balik na rin sa panonood ng K-drama si Anne Curtis na namahinga rin dahil sa sunud-sunod na trabaho.
- Latest