MANILA, Philippines — Millenial folk singer, indie singer/song writer, alternative singer ang ilan lang sa title ni Bullet na nagpakilala sa ilang entertainment editors/writer last week.
Kakaiba kasi ang handog na musika ni Bullet at ramdam mo ang passion niya habang kumakanta.
Actually, hindi na baguhan sa music scene si Bullet. Sumali na siya noon sa Elements National Music Camp several years ago at may mga sumikat na rin siyang kanta tulad ng Ninuno at Tugtog.
Napansin na rin ang kakaibang klase ng kanyang music ng mga batikang sina Ryan Cayabyab, Joey Ayala at maging ni Trina Belamide.
At ito nakapag-guest na rin siya sa concert ni Gary Valenciano three years ago.
Kaya naman hinog na hinog na si Bullet para magkaroon ng solo concert, entitled Usisa, magaganap ito sa October 5 sa Music Museum.
Take note, solo concert ito, as in wala siyang kahit isang guest kaya patatagan ito. Eh hindi lang siya basta kumakanta ha, nagigitara rin siya.
Ang Stages Sessions ang producer ng concert. Ang Usisa ayon kay Bullet ay “search thorougly for the truth for meaning, which is technically the story of my music.”
Pasasalamat na rin daw ito ng singer sa kanyang fans, family and friends na nandiyan sa career niya.
Para sa tickets ng Usisa, please call 721-06-35 and 721 67 26 or sa Ticket World at 891-9999.