Alden naggagalugad sa probinsiya!
PIK: Talagang ginalugad ng main cast ng Victor Magtanggol ang mga malalaking lalawigan ng bansa na napakainit nang pagtanggap sa kanila.
Nitong nakaraang weekend ay jampacked ang fans na dumagsa sa mga mall show na dinaluhan nina Alden Richards, Andrea Torres, Janine Gutierrez at Pancho Magno.
Ilan sa mga naikot nila ay sa Robinson’s Place sa Bacolod, sa Gaisano Grand Carcar at Gaisano Grand Fiestamall sa Cebu. Kaya taus-pusong nagpapasalamat silang lahat lalo na si Alden sa mainit na pagtanggap sa kanila, at sa patuloy na pagtutok sa Victor Magtanggol tuwing gabi mula Lunes hanggang Biyernes.
Sa kabila ng napaka-taxing na taping ni Alden, matindi rin ang preparasyon niya sa kanyang Adrenalin Rush concert na gaganapin sa Kia Theater sa September 21. Matindi rin kasi ang special guests niyang sina Regine Velasquez at AiAi delas Alas.
PAK: Nagitla ang Sharonian friends ko nang nalaman nila ang presyo ng ticket ng My 40 Years concert ni Megastar Sharon Cuneta na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa September 28.
Pero nung na-check namin sa Ticketworld mga three weeks ago, almost sold out na ang sinasabi. Kahit may kamahalan, marami pa rin talaga ang bumibili.
Kaya nga nagpaalam na si Judy Ann Santos sa production staff ng Starla, na ibigay muna sa kanya ang araw na iyun dahil gusto niyang mapanood ang naturang concert.
Bumili pa nga siya ng ticket, bilang suporta sa Ate Shawie niya.
“Siyempre naman, masaya ako at sinasabi nga ni Ate na ito ang pinakaimportanteng araw sa kanyang career. Kaya susuporta ako sa anumang milestone sa buhay ni Ate ko,” pahayag ni Judy Ann nang nakatsikahan ito ng PEP Troika.
Puspusan na nga ang taping ni Judy Ann ng Starla na nakumpirma nga naming kasama roon si Raymart Santiago.
Kaya kung napakawalan ng ABS-CBN si Rayver Cruz na naging Kapuso na, napakawalan din ng GMA 7 si Raymart na magiging Kapamilya na rin.
BOOM: Medyo nadismaya si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala naigawad ang National Artist sa inaasahan niyang dapat na gawaran. Ang tinutukoy niya si Nora Aunor o kaya si Mang Dolphy.
Nabasa nga raw niyang tila ayaw nang umasa ng mga anak ng Comedy King dahil marami pang ibang pangalan na naglilitawan bago ibigay sa kanilang ama.
Pero kung si Gov. Imee ang tatanungin, mas gusto sana niyang ibigay muna kay Ate Guy.
Willing daw siyang i-push ito sa Malacañang na ibigay na muna ang award sa Superstar.
“Siyempre may personal favorite ako dahil ang Himala sa Ilocos ng ECP.
“Kaya hindi nila ako tinatanong dahil medyo biased ako diyan,” nakangiti niyang pahayag.
Pero kung kay Mang Dolphy daw muna ibibigay, okay din sa kanya.
Naikuwento pa nga ng Ilocos Governor na nung bago pumanaw si Mang Dolphy, nagkausap pa raw sila na igagawa sana niya ng pelikula na kukunan daw sa Metropolitan Theater.
Malapit kay Gov. Imee ang showbiz dahil mula pa raw nung pangulo ang kanyang amang dating Pres. Ferdinand Marcos, malapit na rin daw sa kanila ang showbiz at malaki ang concern nila sa movie industry.
- Latest