Valerie hindi pa masabi kung kailan ikakasal!

Heather at Valerie

Hindi pa masabi ng actress na si Valerie Concepcion kung kelan sila magpapakasal ng kanyang Guam-based ­fiancé na si Francis Sunga dahil busy umano siya ngayon sa taping ng kanyang bagong TV series sa GMA, ang Ika-5 Utos na pinamamahalaan ni Direk Laurice Guillen at mapapanood sa ere simula sa darating na Lunes, August 10 pagkatapos ng Eat Bulaga.

May isang anak na babae si Valerie, ang kanyang teen-age daughter na si Heather Fiona sa kanyang estranged boyfriend na never nang nagpakita sa kanilang mag-ina simula nang kanyang ipagbuntis si Heather. Ang ama ni Heather ay pamangkin umano ng singer-actress at radio anchor na si Ali Sotto. Ganunpaman, mag-isang napalaki ni Valerie ang kanyang anak sa tulong ng kanyang pamilya.

May isa ring daughter ang fiancé ni Valerie na si Francis sa dati nitong karelasyon. Ang maganda, anak na rin ang turing ni Francis kay Heather at ganun din si Valerie sa kanyang magiging step-daughter at magka-close ang dalawang bata.

Sa pagdating sa buhay ni Valerie ni Francis ay nagkaroon ng father figure ang anak niyang si Heather na wala ngang kinagisnang ama.

Samantala, natutuwa rin si Valerie (na identified as Kapamilya actress) sa kanyang bagong TV project sa GMA, ang Ika-5 Utos dahil bukod sa si Direk Laurice ang kanilang director, kasama niya sa cast sina Jean Garcia, Tonton Gutierrez, Gelli de Belen, Antonio Aquitania, Neil Ryan Sese, Jeric Gonzales, Migo Adecer, Klea Pineda at ang magkasintahang Inah de Belen at Jake Vargas.

Lipatan sa mga network tuluy-tuloy

After 18 years, balik-Kapuso ang dating Kapamilya actor na si Rayver Cruz kaya malamang na matuloy ang loveteam pairing niya ng kanyang girlfriend, ang resident Kapuso star na si Janine Gutierrez.

Hinintay lang marahil ni Rayver na matapos ang airing ng huling TV series niyang Bagani sa bakuran ng ABS-CBN bago siya lumipat ng Kapuso Network kung saan niya ­unang ginawa ang comedy program na Kiss Muna nung taong 2000. Four years later in 2004 ay lumipat na siya ng Kapamilya Network.

Taong 2005 nang gawin niya ang kanyang first lead role sa Kapamilya Network, ang primetime TV series na Spirits na pinagtambalan nila ni Maja Salvador.

In 2007 ay muli siyang gumanap sa isang lead role, ang Rounin hanggang magsunud-sunod ang TV assignments ni Rayver sa nasabing TV network kung saan din nahasa ang husay niya sa pagsayaw sa pamamagitan ng Sunday musical variety show, ang ASAP.

Si Rayver ay nagmula sa kilalang Cruz clan na kinabibilangan ng mga tiyuhin niyang sina Tirso Cruz III at ang yumaong singer-actor na si Ricky Belmonte.  Nakababata siyang kapatid ni Rodjun Cruz na isa ring Kapuso actor at mga pinsan naman niya ang mga singers-actors na sina Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, Donna Cruz at Geneva Cruz.

At kung malaking balita ang napipintong paglipat umano ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Kapamilya Network, marami-rami na ring Kapamilya actors ang nagsilipatan sa bakuran ng Kapuso Network na ang pinaka-recent nga ay sina John Estrada at Rayver. Nasa bakuran na rin ng GMA ang dating mga Kapamilya actors tulad nina  Iya Villania, Megan Young,  Tom Rodriguez, Rafael Rosell, Jason Francisco, Jason Abalos, Matt Evans at iba pa.

Karamihan naman ng mga senior star ay on a per project basis lamang ang kontrata kaya nagagawa nilang maglagare sa dalawang major TV networks.

Show comments