MANILA, Philippines — Para sa ika-12 anibersaryo ng Outbox Media Powerhouse Corporation, ipagdiriwang nito ang kahalagahan ng kababaihan sa lipunan sa pamamagitan ng isang all-female concert at benefit dinner na pinamagatang Limitless: Empowered Women, Empower Women.
Sa pangunguna ng The Queen of Events, Outbox Media Powerhouse Corporation Managing Director na si Rossel Velasco-Taberna, layon ng concert na itampok ang galing ng nasabing kumpanya sa paghawak ng ganoong klase ng event, sa pagpapalaganap ng pagmamahal at tuwa at pagdiriwang ng epekto at halaga ng maaring gawin ng kababaihan sa lipunan.
Sa pamumuno ni Rossel Velasco Taberna, patuloy na tinataguyod ng Outbox Media ang mantra nitong Burning Passion, Unceasing Dedication and Limitless Diversity; pakikiisa sa iba’t ibang multinational companies tulad ng Wyeth Nutrition Philippines, Royale Business Club, EMS Components Assembly, Inc., Monde Nissin atbpa.
Sa kabila ng maraming tagumpay, hindi nila nalilimutang tumanaw ng utang na loob sa pamamagitan ng taunang benefit show.
Magaganap ang event ngayong Biyernes, Setyembre 7, 2018 sa Metrotent Convention Center, Pasig.
Itong 12th anniversary dinner benefit show ay co-production nila ng asawang si Anthony “Ka Tunying” Taberna.
Katambal ng power couple ngayong taon ang Cornerstone Entertainment Inc. na manager ng sikat na talents ng Pinoy showbiz.
Asahan ang isang electrifying evening, sa live performances ng Queen of Theme Songs Angeline Quinto, Queen of R&B, Kyla, Soulful Diva Radha, Diva Hitmaker Liezel Garcia at ang sumisikat na singer/songwriter na si Jayda Avanzado.
Pararangalan ng benefit event ang kababaihang may nakatitinag at nakaka-inspire na kwento, tulad ng SpED teachers ng Antipolo City Sped Center, na inilaan ang kanilang buhay sa pagtuturo sa 250 batang may iba’t ibang kapansanan (hearing impaired, visually impaired, multiple disability, autism, intellectual disability).
Bilang tulong, magdo-donate ang Outbox Media ng U-shaped chairs at iba pang school facilities.
Iba pang beneficiaries ng concert ang visually-impaired na magkapatid na Alma at Alice Corsanes, na sa kabila ng glaucoma na mauuwi sa pagkabulag, ay patuloy na lumalaban sa buhay.
Nabigyan sila ng computer livelihood training for the blind at inihahanap ng computer-related jobs para pantawid-gutom.
Magdo-donate din sa magkapatid na Corsanes ang Outbox Media ng desktop computer unit para makahanap ng trabaho maski sila’y nasa bahay.
Ang event na ito ay sa pagtataguyod ng: Foton Motors Philippines, San Miguel Corporation, Santa Elena Development & Construction Corporation, Palayan City Business Hub, Petrol Jeans, Hotel Sogo, Waterfront Hotel, Acacia Hotel, Bounty Fresh Chooks To Go, Eurotel, Oishi, New San Jose Builders, P.A. Properties, Megasoft, Chinese General Hospital, Rite N Lite, Ferna, Jc Premier, King Cup Sardines, Courbe, Phoenix, Grab, Uratex at Our Media Partner Crossover Fm 105.1.