Hindi ba tayo lahat ay masaya kapag dumarating ang Kapaskuhan? May pera man o wala, lahat ay nabibigyan ng pag-asa, nakadarama ng kasiglahan sa paghihintay sa mismong kaarawan ni Hesus.
Sa panahong ito parang ang lahat ay bumabait, nagiging maunawain, mapagkawanggawa, matulungin at masaya. Kaya hayaan nating masimulan ang pagdiriwang ng Pasko. Mas marami tayong maa-accomplish.
Samantala, buhay na buhay na naman si Jose Mari Chan sa pagdatal ng malamig na panahon. Ihanda na ang inyong mga dekorasyon. The simplest lighted star in your window will do. Merry Christmas!
Rayver nagpasaway agad sa Kapuso?!
Mapapanood na sa panghapong palabas ng GMA si Rayver Cruz. Gagawa ito ng serye kasama sina Kris Bernal at Thea Tolentino. Pero, tila may problema pa sa gagawing paglipat ni Rayver dahil na-indyan nito ang storycon ng series niya. Buti na lang hindi nagalit sa kanya ang mga taga-Kapuso. Inintindi na lang na siguro ay may hindi pa klaro sa paglipat niya.
Pepe masusubukan kung makakayang tapatan si Empoy
After Empoy Marquez, si Pepe Herrera ang inaasahan ko na hahawi sa mahabang pila sa mga sinehang pagtatanghalan ng The Hopeful Romantic na kung saan ay unang bibida sa isang love story ang nagsimulang isang komedyante kapareha si Ritz Azul. Bukod sa pagiging isang comic, may maganda ring boses si Pepe. Graduate siya sa UST ng Conservatory of Music major in Voice. Huli siyang napanood sa Rak of Aegis. Mas nakilala siya nang husto sa Ang Probinsyano. Isa na ring recipient ng Best Actor si Pepe para sa kanyang role sa indie film na Sakaling Hindi Makarating katambal si Alessandra de Rossi.
Pinaka-masaya siyang maging isang Regal Baby.
Monsour aapir uli sa Viva movie
Muli, patutunayan ni Makati Congressman Monsour del Rosario ang kasabihang “Once an actor, always an actor”. Magkakaro’n ito ng isang screen comeback sa pelikulang The Trigonal, isang action drama ng Viva, na gagampanan ng mga tunay na martial artist at sundalo para maging makatotohanan.