^

PSN Showbiz

Rene Garcia pumanaw na, hotdog singer hindi na makakalimutan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rene Garcia pumanaw na,   hotdog singer hindi na makakalimutan!
Rene

Muling nagluluksa ang local music industry sa pagpanaw ng maituturing na isa sa mga exponent ng Manila Sound at Original Pilipino Music (OPM), ang singer, composer, lead guitarist at co-founder ng isa sa mga iconic bands nung dekada sitenta, ang Hotdog Band na si Rene Garcia.

Si Rene ay sumakabilang-buhay sa edad na 65 last Sunday, September 2 sa ganap na ika-6:40 ng gabi dahil sa cardiac arrest.

Si Rene along with his brother na si Dennis Garcia ay bumuo ng Hotdog Band nung 1972 with Ella del Rosario as the band’s female lead. Except for Dennis and Rene, ang Hotdog ay nagkaroon ng iba’t ibang members at female soloist sa pagdaan ng mga taon. Naging miyembro rin ng Hotdog sina Zsa Zsa Padilla, Odette Quesada, Maso Diez, Gina Montes, Rita Trinidad at Joy Reyes habang ang band male members ay kinabilangan nina Ramon `Mon’ Torralda, Tito del Rosario, Lorrie Ilustre, Jess Garcia, Roy Sadicon, Diaz del Rivera, Rene Enriquez at Gavin Zerby.

Although na-disband ang Hotdog nung mid-80’s, ipinagpatuloy ni Rene ang pagpi-perform ng solo singing the hit songs ng Hotdog.

Kasama sa mga classic hits ng Hotdog ay ang Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko na kanilang kinanta  at tinugtog nung July 21, 1974 Miss Universe na ginanap sa Folk Arts Theater at dito nagsimulang makilala nang husto ang grupo na sinundan pa ng iba nilang mga classic hits.

Namaalam man si Rene nang maaga, mananatiling buhay ang kanyang magagandang alaala sa kanyang pamilya at mga kaibigan lalung-lalo na ang mga classic hits ng Hotdog na kanyang ibinahagi sa publiko.

Paalam, Rene.

Kids’ Choice ng kapamilya, nakakalibang!

Nakakatuwang panoorin ang bagong reality show ng Kapamilya network, ang bagong simulang The Kids’ Choice, isang original concept na napapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi na nagsimula last September 1.

Hosted by Robi Domingo and Eric Nicolas, ang mga tumatayong mga batang judges called as the The Just Kids League ay binubuo ng mga child star na sina Xia Vigor, Chunsa Jung, Carlo Mendoza, Simon “Onyok” Pineda at ang talented skater ng Little Big Shots na si Jayden Villegas.  Sila ang nagbibigay ng score at judgment base sa sarili nilang pananaw sa iba’t ibang pamilyang kalahok na pagpapakitang-gilas sa iba’t ibang kategorya.

Nakakatuwang panoorin ang limang batang hurado na nagbibigay ng kanilang respective comments sa bawat kalahok na pamilya.

Dahil sa kakaibang konsepto, hindi malayong gawin itong franchise ng ABS-CBN at ipalabas din ito sa iba’t ibang bansa.

ORIGINAL PILIPINO MUSIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with