^

PSN Showbiz

Christian walang masabi sa paglipat ni Regine

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Christian walang masabi sa paglipat ni Regine
Christian

Prinsipe ng tribu, susubok sa showbiz

PIK: Paulit-ulit na nagpapasalamat si Teresa Loyzaga sa Diyos, at pati sa mga TV networks na nagtitiwala sa kanya dahil hin­di talaga siya nawawalan ng trabaho.

Katatapos lang niya sa ABS-CBN, ngayon naman ay tumawid siya ng GMA 7 at bahagi siya sa bagong afternoon drama na My Special Tatay na magsisimula na ngayong araw kapalit sa time slot ng katatapos lang na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Sa presscon nito ng My Special Tatay nung nakaraang linggo, nagpapasalamat siya sa GMA 7 na ibinigay sa kanya ang proyektong ito kasama si Ken Chan.

“Thank you for the trust. Thank you for being interested in my talent ang wanting me to be part of your serye.

“It makes me feel loved. After so long na absent ako, hindi ako nakalimutan. Hindi ako napagsarhan ng pintuan. Nandiyan pa rin po sila. Ang suwerte ko,” pahayag ni Teresa.

Kaya meron daw silang malaking whiteboard sa bahay na kung saan doon nakalagay ang schedule nila ni Diego Loyzaga.

Kapag may bakanteng araw daw silang mag-ina, doon sila nagba-bonding at talagang nagsisingit sila ng oras na magkasama sila.

Kahit abala ay nanatiling ina raw siya na pati sa social media ay nandiyan siya para ipag­tanggol ang kanyang anak.

Pero ginagawang positibo na lang daw niya ang mga namba-bash sa kanyang anak.

PAK: Isang prinsipe ng Manobo Tribe sa Agusan del Sur ang bagong brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products.

Aljun Cayawan ang tunay niyang pangalan, pero Datu Agong ang tawag sa kanya ng mga katribu nito.

Sa press launch sa kanya nung nakaraang Sabado, September 1, nilinaw ni Aljun o Datu Agong na hindi siya mayaman kahit isang prinsipe ang turing sa kanya. Hindi raw siya Prince of Wealth, kundi Prince of Responsibi­lity na ibinigay sa kanya ng kanyang lola na isa sa mga iginagalang na leaders ng kanilang tribu.

Active kasi si Aljun sa mga proyektong nakakatulong sa kanyang mga katribu sa Manobo.

Meron daw siyang Sagip Katribu na kung saan namimigay siya ng mga school supplies at iba pang mga gamit na kailangan ng mga katribu.

Sa tulong daw ng mga supporter niya, isa na nga rito si Ms. Aileen Go ng Megasoft ay nakalikom daw siya ng mga ipamimigay na tulong sa mga Manobo lalo na sa mga kabataan.

Sumali na nga siya sa WCOPA sa Amerika kamakailan lang at nakapag-uwi raw siya ng sampung medalya sa singing at modeling division. Doon din ay nakahingi raw siya ng tulong sa mga kababayan natin doon para sa kanyang Sagip Katribu.

Kapag mga pulitiko raw ang nagpaabot ng tulong, tinatanggihan niya ito. Ayaw na raw niya magpagamit sa ibang mga pulitiko na ginagamit lang din ang kanilang tribu.

Pahayag ni Aljun; “There are some politicians na gumagamit ng tribu. Like, gusto nilang i-front na tutulungan pero hindi naman pala dumarating ‘yung tulong. Ginagamit lang ‘yung pangalan.

“Yung Sagip Katribu ko, ayaw kong mahaluan ng mga politicians. Maraming gustong makipag-colla­borate sa project ko kasi magandang project daw po.

“Pero base sa naging experience ko, naranasan ko na pong sabihan na, ‘yang mga Manobo, kakatayan ko lang yan ng baboy, sa akin na yan boboto. Kasi pagkain lang ‘yung habol niyan.

“Naranasan ko pong ganung diskriminasyon na tingin ng ibang politicians sa amin, mababa.”

BOOM: Ayaw ni Christian Bautista na magbigay ng komento tungkol sa isyung paglipat ni Regine Velasquez sa Kapa­mil­ya network.

Wala naman daw siya sa posisyon para magbigay ng pahayag kaugnay sa isyung ‘yan.

Magkasama raw sila sa The Clash, pero hindi raw nila ito pinag-uusapan. Kung ta­lagang meron na raw announcement, doon na lang daw siya magbigay ng sagot tungkol sa nasabing isyu.

Ang sinasagot ni Christian ay tungkol sa nalalapit na kasal nila ni Kat Ramnani.

Nag-guest ito sa Level Up radio program ni Noel Ferrer sa Radyo Inquirer kamaka­lawa ng gabi at sinabi niyang sa December na raw ang wedding sa isang resort sa Bali, Indonesia.

“Simple lang with family and friends, very short ceremony, good food and good view,” pakli ng Asia’s Romantic Balladeer.

Pagkatapos sa Indonesia na kung saan sikat na sikat siya, magkakaroon naman daw sila ng simpleng seremonya at selebrasyon dito sa atin para sa mga kaibigan at ilang miyembro ng pamilya na hindi makakadalo sa Indonesia.

Balak daw nila ni Kat, after two years pa sila magka-baby, para ma-enjoy muna nila ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Okay na raw sa kanila ang dalawang anak.

REGINE VELASQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with