Mga bingi may apelang subtitle

Coco

MANILA, Philippines — Pakinggan kaya ni Coco Martin ang request ng kaibigan kong bingi (hearing impaired)?

Napagod na raw kasi itong si Kuya (na may kapansanan sa pandinig) sa panonood ng Ang Probinsyano na walang subtitle. Madalas daw kasi, hindi niya naririnig ang dialogue sa nasabing paborito niyang serye. Kaya hiling niya, sana, sana, ay maisip ni Coco at ng production nito na maglagay ng subtitle. Marami raw katulad niya ang nasa tabi-tabi lang na hirap din sa panonood ng AP at maging ng ibang programa ng ABS-CBN and GMA 7.

Hindi naman daw kasi niya puwedeng lakasan ang TV nila pag nanonood dahil tiyak na ikakagalit ng mga kasama niya sa bahay o maging sa mga kaopisina niya na nakakasabay niya sa panonood.

May point naman si Kuya. Marami nga naman ngayon ang mahina ang pandinig lalo na nga ang mga nagkaka-edad na ang libangan ay manood ng TV dahil lalo naman malabong makinig sila sa radio.

Paano raw sila gagamit ng ear phone eh naka-hearing aid sila na madalas ay hindi naman daw 100 % ang tulong sa pandinig.

Hindi nga naman masyadong pinapansin ang mga may kapansanan nating kababayan sa pandinig. Ang madalas bukambibig, millenials. Paano na nga naman ang may kapansanan.

Ang mahirap lang dito, may additional cost ang paglalagay ng subtitle at minsan, hand to mouth ang taping ng mga teleserye ng ABS-CBN and GMA 7.  So wala na silang time para sa subtitle.

Anyway, wait natin kung magkakaroon ng puwang ang apela ng mga bingi sa panonood ng TV.

Show comments