Teka Muna naka-5 years na, Pat P. gustong malaman ang mga mali ng abogado ni Bong
Nakaka-five years na pala ang programang Teka Muna nina Peter Musngi and Pat P. Daza every Saturday night, 7:00 to 8:00 p.m sa DZMM Teleradyo.
And take note, consistent ang pagiging no. 1 nila sa nasabing timeslot.
Kaya naman bilang celebration ng kanilang 5th anniversary, nakipagtsika sila sa ilang entertainment press kahapon.
So anong sekreto bakit ang tibay nila?
“The secret of our show is that it is not scripted. Before we go on-air, we talk about what we can discuss in the program, especially in the first part where we recap the hottest news. So when we come in we’re both ready,” Pat-P shared.
Sabi naman ni Mr. Peter na “anything goes” kasi. “We don’t over prepare because you don’t want to lose the spontaneity on the air.”
Originally ay conceptualized ito as a light and fun weekend program, hanggang nag-evolved ang programa at naging platform kung saan napapanood sa kanila ang mga maiinit na personalidad na pinag-uusapan sa kasalukuyan. Kaya naman si Pat P. na tumatak din sa mga nanonood at nakikinig ang kakaibang saya ng tawa ay mas naging updated na with current events.
“I read and I watch the news every day because there can be live interviews on the spot in our program. So it is important to have a good stock knowledge,” she said.
At ganun din si Mr. Peter na todo pa rin ang pagbibigay importansya sa programa,tulad ng itinuturo niya noong namumuno pa siya sa DZMM.
“As an anchor, you row your own boat. If you don’t care about your program, then nobody else will care. It is your program, so you take care of your own program,” he said. Bukod doon, “Bahala na ang patutunguhan ng usapan, mas gusto naming ganito, hindi scripted at natural lang.”
Sa hinaharap, nais ni Mr. Peter na lumabas din sila ni Pat-P ng radio booth upang makapanayam ang mga nasa balita kung nasaan man sila.
Si Pat P. gusto niyang ma-interview sina President Digong, VP Leni Robredo and Bong Revilla na nanatiling nakapiit sa PNP Custodial Center.
Bakit si Bong? Ayon kay Pat P. gusto niyang malaman kung saan nga ba nagkamali ang legal team ng actor/senador at hindi siya nakakalaya habang ang mga kasabayan niyang sina Sen. Juan Ponce Enrile and Jinggoy Estrada ay nakalaya na. “Saka crush na crush ko si Bong, sayang naman kung sa kulungan siya tatanda, so gusto ko siyang makausap,”sabay tawa ni Pat P. nag-iisa sa kanyang tawa na sobrang nakakadala.
Pagdating kay Pres. Digong, gusto niyang malaman kung saan exactly tayo papunta.
Si Mr. Peter ay ganundin. Si Pres. Digong at ang ICC (International Criminal Court) representatives ang gustong makausap para malaman kung ano bang latest sa kasong isinampa sa ating pangulo.
Samantala, patuloy ding nangunguna ang DZMM sa himpapawid ayon sa radio survey ng Kantar Media sa Mega Manila para sa ikalawang quarter ng taon.
Pinakamataas ang 25% audience share ng DZMM at hindi rin sila nagpapaawat pagdating sa serbisyo publiko sa mga programa tulad ng DZMM HaPinay Day Buntis Congress at DZMM Kapamilya Day.
Anyway, abangan ang Teka Muna sa DZMM Radyo Patrol 630 sa AM radio at on DZMM TeleRadyo sa SKYcable at ABS-CBN TVplus tuwing Sabado ng 7 pm.
Emote ng direktor sa TNT singer, fake news
Ay fake news pala ang emote ng theater director na si Paul Ballano tungkol sa dating contestant ng Tawag ng Tanghalan na si Carlmalone Montecido.
Nag-emote kasi ni Direk Ballano sa kanyang social media account na umano’y hindi pa nakukuha ni Carlmalone ang napanalunang premyo sa nasabing patimpalak kaya marami-rami rin ang nahabag at nagpahayag ng simpatya sa nasabing contestant ng TNT.
Yun pala fake news, as in matagal na raw nakuha ng blind contestant ang kanyang premyo sa TNT at ang umano’y collectibles na lang nito ay ang natitirang talent fee sa ibang guestings sa ABS-CBN shows. Na kasalanan pa raw ng contestant at ng tumutulong dito na Tito dahil hindi raw inaayos ang mga kailangang dokumento para makolekta nga ang nasabing natitirang talent fee samantalang naibigay na diumano ang authorization letter.
Kaya tuloy nalagay sa alanganin ang stage director na hindi man lang nga nag-abalang magtanong para alamin ang totoo bago mag-apela sa social media.
Reaction ng ibang mga nakaaalam ng kuwento, siyempre lahat naman ay may sinusunod na process.
Ang punto nga naman parang ganito, ok lang ba kay kay Direk kung sakaling hindi sundin ng artista niya ang gusto niya sa ginagawang pelikula, tatanggapin ba niya?
Pero teka paano nga ba nasangkot ang direktor sa kuwentong ito eh ayon sa source, pati raw ang asawa ni Carlmalone na si Cris Montecido ay nagsabing not true ang bintang sa nasabing post.
Ang bottomline talaga rito, ‘wag basta-basta magkakalat ng isang bagay kung hindi alam ang totoo. Sinayang din ng blind singer ang chance na magka-career after TNT. Sana kung nakipag-usap na lang siya sa staff ng TNT at hindi nagsumbong sa stage director, eh ‘di sana naplantsa ang lahat.
Minsan talaga hindi ka maniniwala sa post sa social media.
Para bang mortal sin na ngayong makipag-usap sa telepono o kahit sa personal para alamin ang totoo. Inaasa na lahat sa social media.
- Latest