Pepe nagsalita na sa pagkakatanggal sa ang probinsyano
PIK: Sobrang na-appreciate ng contestants ng The Clash ang mga payo ng judges na sina AiAi delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.
Very technical daw si Christian, kaya ang dami raw nilang natutunan sa tamang technique ng pagkanta.
Si AiAi naman daw ay ang charm sa masa ang nakuha nila, dahil kapag nakita raw nilang nagustuhan sila ni AiAi, ibig sabihin, gusto na rin sila ng mga nanonood.
Kay Lani naman daw nila natutunan kung paano damhin ang kinakanta mo. Iyun daw kasi ang gusto ni Lani na dapat makarating sa mga nakikinig kung ano ang nararamdaman mo sa kanta.
Mamayang gabi nga sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP ay muling ipapakita ni Lani Misalucha kung paano niya isapuso ang kanyang mga awitin kasama ang The Manila Philharmonic Orchestra na magsi-celebrate ng kanilang 20th anniversary sa ilalim ng founder at musical director na si Maestro Rodel Colmenar.
PAK: Inamin na rin ni Snooky Serna na siya ang may kasalanan kaya nagkahiwalay sila ni Ricardo Cepeda.
Ngayon lamang niya ito nabunyag nang ibinigay niya ang kanyang kuwento sa Magpakailanman na mapapanood na mamayang gabi sa GMA 7.
Inamin niyang meron siyang Dysthymic Disorder at talagang matindi raw ang pinagdaanan niya sa karamdamang ito nung magkasama pa sila ni Ricardo.
“I have to admit, yun ang main problem namin.
“Ricardo was a very good husband, wala akong masabi sa kanya. It was just that mahirap talagang pakisamahan yung isang taong…especially at that point, wala kaming trabaho, nawalan kami ng pera.
“Tapos kailangan pa niyang sakyan yung mood swings ko, either mataas na mataas, haping-happy ako or down na down ako na ayaw kong bumangon sa kama, iiyak lang ako. Feeling ko parang hopeless na hopeless ako,” pahayag ni Snooky.
Nagpasalamat lang siya dahil wala naman daw sa dalawang anak nila ang nagmana sa kanyang karamdaman.
Kaya gusto nga raw niyang maibahagi ang kuwentong ito sa Magpakailanman para may matutunan daw dito ang mga manonood na may ganun ding karamdaman.
Si Reese Tuazon ang gaganap na batang Snooky, at siya na pag-mature. Si Gloria Diaz naman ang gaganap na si Mila Ocampo at si Gary Estrada ang gaganap na si Ricardo Cepeda.
BOOM: Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong magpaliwanag ang komedyante at stage actor na si Pepe Herrera tungkol sa pag-alis niya sa FPJ’S Ang Probinsyano. Ang ganda pa naman ng role niya sa teleseryeng iyun bilang sidekick ni Cardo sa Ang Probinsyano.
Ang unang napabalita ay magma-migrate na ito sa New Zealand, na pinabulaanan niya dahil nagbakasyon lang daw siya roon sa kanyang pinsan.
Kailangan daw niyang magpahinga nang magkasakit ito. Nagkaroon siya ng Asthmatic Lungs.
Sabi ni Pepe: “Mainly po because of health reasons. Nagkataon lang po na nagkaroon po ako ng karamdaman sa later part ng 2016.
“Nagkaroon po kami ng mga series na pag-uusap ni Coco at saka ni Sir Deo (Endrinal), tapos hanggang po sa nag-arrive kami sa isang desisyon na makakabuti para sa lahat.
“Thankful lang po ako na it’s really Coco’s decision yung final scene ko na mag-end sa ganun.
“Sabi po niya; ‘sayang naman kung mapupunta sa wala yung binuo nating character. Kaya siya po yung nag-decide na maging heroic siya dun. Kaya malaki po ang pasasalamat ko talaga kay Coco.”
Meron daw isang project na maaring pagsamahan nila uli ni Coco pero ayaw lang niyang kumpirmahing ito yung (Metro Manila Film Festival) MMFF entry nila ni Vic Sotto na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
Malaki lang ang pasasalamat niya sa Regal Multimedia dahil binigyan siya ng break na magbida sa pelikulang The Hopeful Romantic kasama si Ritz Azul na dinirek ni Topel Lee.
Sa September 12 na ang showing nito.
Sana medyo humupa na ang init ng The Hows of Us para magkaroon naman ng chance mapanood ang The Hopeful Romantic sa mga sinehan.