Mga alipores ng rich female personality, nawalan ng mga libreng mana

Malaki ang nawala sa mga dating nakapalibot na alipores ng isang sikat na female personality mula nang mawala na siya sa kanyang mother studio. Luging-lugi sila kumbaga dahil nu’ng kasama pa nila ang babaeng personalidad ay para lang silang nagsi-shopping nang walang gastos.

?‘Yun ang pinagpipistahang kuwento ng isang malaking grupo, hinayang na hinayang daw siguro ngayon ang mga dating nakasahod sa mga kagamitang pinagpapalitan ng sosyaling female personality, sayang na sayang daw ang nawalang pagkakataon sa kanila.

?Kuwento ng aming source, “Isang grupo ‘yun na dating malapit kay ____(pangalan ng sikat na female personality), kapag naglilipat-bahay kasi siya, maaga pa lang, e, nasa housing authority na niya ang mga ‘yun!

?“Paagahan sila ng dating sa bahay ng girl, mas maaga, e, mas maganda, dahil napipili na nila kung alin-alin ang gusto nilang i-uwi. May kama, may malalaking TV, may sosyaling gas stove, lahat ng kailangan nila na hindi nila makakayang bilhin, ipinamimigay lang sa kanila ng sikat na female personality,” simulang kuwento ng aming impormante.

?May iba nang grupo ngayon ang sikat na babaeng personalidad, ang mga ito na ang nabibiyayaan niya ng mga branded na kagamitan ngayon, nganga na ang mga dating alipores na nakapalibot sa kanya.

?“Napakalaking katipiran para sa kanila ang pagkamasawain ng girl sa mga binibili niyang kagamitan. Imagine, daang libo ang halaga ng binibili niya, pero kapag lumilipat na siya ng bahay, e, ipinamimigay lang niya ang mga expensive stuff niyang ‘yun?

?“Bakit nga hindi manghihinayang ang mga da­ting alipores niya? Isang sala set, daang libo na ang halaga? Ang malalaking TV niya, parang maruruming damit lang kung ipamigay niya?

?“At ‘yung kama niyang half million ang pagkabili niya, ni hindi nga niya ‘yun nahihigaan palagi dahil sa pagiging busy niya sa work, ipinamimigay lang din niya?

?“Sino naman ang hindi manghihinayang sa mga biyayang nawala sa kanila? Nganga na sila ngayon dahil wala na sa network nila ang girl, may sariling grupo na siya ngayon na pumalit sa trono ng mga alipores niya dati.

?“Kalilipat lang ng bahay ng rich female personality, hindi niya dinala sa bago niyang house ang mga dati niyang kagamitan, ganu’n siya kapabolosa, hindi siya nagpapa-garage sale, ipinamimigay lang niya ang mga ‘yun sa mga taong close sa kanya!” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Daniel at Kathryn gumawa ng bagong record

Siguradong napakasaya ngayon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sobra-sobra pa sa kanilang inaasahan lang ang kinita ng kanilang pelikulang The Hows Of Us sa unang araw ng pagpapalabas ng proyekto.

?Ang pigurang inilabas ng produksiyon ay tunay namang nakatataba ng puso para sa mga bumibida dahil halos thirty six million pesos ang kinita ng tambalang KathNiel, panalung-panalo ‘yun, minsan pang pinatunayan ng magkarelasyong tambalan ang lakas nila sa takilya.

?Impormasyon sa amin ni Ogie Narvaez Rodriguez na malapit sa pamilya Bernardo at consultant ng kanilang negosyong KathNails, “Pinakamataas na first day gross ng KathNiel movie ang The Hows Of Us on a regular day.

?“’Yung movie nilang Crazy Beautiful You, e, napakalaki ng kinita, 38 million, pero holiday ‘yun, ipinalabas sa 184 cinemas.

?“’Yung movie po naman nilang Can’t Help Falling In Love, e, kumita nang 33 million in 300 theaters, pero Black Saturday ang showing ng movie.

?“’Yung Barcelona, A Love Untold, e, kumita naman nang 23 million sa opening day with 215 cinemas, at ‘yung movie nilang She’s Dating A Gangster, naka-15M ‘yun sa opening day with 140 theaters.

?“Kaya itong The Hows Of Us ang record breaker, naka-almost 36M sila sa isang  ordinary day sa unang araw ng showing ng movie,” mahabang impormasyon ng aming anak-anakang si Ogie Narvaez Rodriguez.

?Wala na kaming ibang masasabi sa napakalakas na pelikula ngayon ng KathNiel kundi isang malakas na sigaw ng congratulations!

?Ang nagiging resulta nga naman ng pagiging propesyonal, magandang materyal na pampelikula at pagiging matanaw ng utang na loob sa lahat ng mga nakatutulong sa kanilang tambalan, panalung-panalo!

 

Show comments